Meralco: Magtiis kayo sa brownout

Nagbanta ang Meralco na ‘pag hindi napagbigyan ang hinihiling nito na P4.15 per kilowatt na dagdag singil sa kuryente, hindi maiiwasan ang rotational brownout pagdating ng tag-init.

Ito ang sinaad nila sa kakatapos lang na pagdinig sa Korte Suprema.Nagbanta ang Meralco na ‘pag hindi napagbigyan ang hinihiling nito na P4.15 per kilowatt na dagdag singil sa kuryente, hindi maiiwasan ang rotational brownout pagdating ng tag-init.

Ang Meralco ay mayroong 5.3 million customers sa franchise area nito na sakop ang 31 lungsod at 80 munisipalidad sa Metro Manila, ang buong lalawigan ng Bulacan, Rizal at Cavite, at bahagi ng Laguna, Quezon, Batangas at Pampanga.

Ang serbisyo ng Meralco ay umaabot sa 24.7 milyong tao.

Ang mensaheng dumarating sa marami: Makuha kayo sa sindak?

***

“Pagbabarilin ko sila.” Ito ang inihayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte nang tanungin siya sa Senado kung anong balak niyang gawin sa laganap na rice smuggling sa Davao port.

Giniit ni Duterte na handa siyang pumatay para sa bayan. “Matanda na ako… at marami nang sakit… ‘pag may nahuli akong nagbababa ng smuggled rice… pagbabarilin ko sila.”

Ang pahayag na ito ay hindi nagustuhan ni Justice Sec. Leila de Lima at ng Malacañang.

Pero sa mga social network at sa maraming programa sa radyo, bumuhos ang paghanga sa katapangan ni Duterte.

Sabi nga ng isang nag-alok ng opinyon sa radyo, “Hindi ko hinahangaan si Mayor Duterte.

Sinasamba ko siya.”

Patunay na sawang-sawa na ang taumbayan sa korapsyon at sa krimen na tila walang makitang solusyon ang administrasyon.

Mukhang si Juan de la Cruz… handa nang kumapit sa patalim.

***

Pataasan ng ihi?

Painit nang painit ang ulo ng China sa mga pinapakawalang salita ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sa muling nabuhay na Luneta hostage crisis, giniit ng ating Pangulo (na may kasamang galit) na hindi siya magso-sorry sa Hong Kong.

Hinggil naman sa pag-angkin ng China sa teritoryong ginigiit ng Pilipinas na kanyang pag-aari, inihambing ni PNoy na mala-Adolf Hitler ang asta ng China.

Papaano na kung mapikon?

***

Huling hirit.

Buhay na buhay ang Vhong/Deniece/Cedric teleserye sa buhay ng maraming Pinoy.

Araw-araw may bagong haka-haka, kutob o opinyon na lumulutang.

Kung hindi kayo nakakasubaybay, heto ang ilang popular na anggulo. Maaaring may katotoha­nan, maaaring katas ng utak na walang magawa. Makisawsaw:

1. Pagseselos ang ugat ng pambubugbog. Hindi alam ng babae na ang kanyang tinitirhan ay tadtad ng CCTV cameras at nang makita ng nobyo ang lambuchingan… yari.

2. Hinihintay ng sigang grupo si lover boy sa labas ng condo para dukutin.

3. Isang matulis na pulitiko ang tunay na nobyo ni babae.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s