Pinas – Bansa ng Uzi?

uzi

Hinubog tayong uzi (uzisero) ng dalawang higanteng TV network.

Kaya, ayan – naka-sentro ang lahat ng kuwentuhan sa bansa ngayon sa nabalitang pambubugbog kay Vhong Navarro.

(Ambin Designs)
(Ambin Designs)

Hindi malaman kung ang kasong ikararating ng insidenteng ito ay attempted rape, blackmail, serious physical injuries, extortion, o public scandal, pero…

Tapos kong basahin ang police blotter… kumbinsido ako na ang tamang kaso ay… MURDER… ng wikang Ingles.

blotter

(Basahin dito. )

Sa dami ng version ng mga pangyayari, mauumay ka na. Puro ispekulasyon at haka-haka. Si babae ba… o si lalaki ba ang paniniwalaan?

Nasapawan ang maraming mas mahalagang balita. Ang pork barrel scam. Ang rehabilitasyon ng Eastern Visayas. Ang nangangamoy na rice importation. Ang susunod na laban ni Pacman. Pati na rin ang kapana-panabik na pagbabalikan ni Luis Manzano at Angel Locsin.

Patunay na kontrolado ang buhay natin ng dalawang higanteng TV network.

Alipin sa napakababaw na klase ng balita at mga programang isinusubo sa atin sa bawat araw na ginawa ng Diyos.

••••••••••••••

“Tax Incentives for Professional Athletes Act of 2013”. Ito ang panukalang inihain sa Kongreso ni Buhay party-list Rep. Jose Atienza kasama sina Rep. Ferdinand Martin Romualdez, Rep. Lani Mercado-Revilla, ABAKADA party-list Rep. Jonathan dela Cruz, Rep. Philip Pichay, Rep. Diosdado Macapagal Arroyo, Rep. Aleta Suarez, at Rep. Victor Ortega.

lito

Sabi ni Atienza na panahon na upang bigyan ng tax incentive ang mga atleta nating naguuwi ng karangalan sa Pilipinas. Ito’y sa pamamagitan ng tax exemption sa premyong perang napanalunan nila.

Hindi sang-ayon si BIR Commissioner Kim Henares sa panukalang ito. “Ito ang magiging tanong: kung ako ay sundalo, eh bakit ako walang exemption eh ang puhunan ko ay buhay ko? Kung hindi naman public sector ang papag-usapan natin, sasabihin ng mga lineman, eh bakit ako hindi ako in-exempt eh tinataya ko ang buhay ko kapag nagre-repair ako ng electric lines. Pero ‘yung mga athlete, hindi naman nila tinataya ang buhay nila for the benefit of other people, it’s for themselves,” giniit ni Henares.

••••••••••••••

Hula who.  Ginamit ng sikat na aktres ang utak at calculator nang makipagbreak sa kaniyang BF. Wala kasi sa kalinkingan ang kinikita ng lalaki kung ikukumpara sa aktres. At ang trabaho ni BF ay walang katiyakang tatagal nang maraming taon. Pero kung manalo si lalaki sa lotto, ibang usapan na yan.

calc

••••••••••••••

Huling hirit. May hinaharap na dalawang plunder complaints at isang election violation ang kalihim ng agrikultura. Hindi kaya tamang mag-leave muna siya?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s