Walang sex – susi sa tagumpay?

sex

Sa isang interbyu sa TV, ipinagmalaki ni Kris Aquino na ang kaniyang pagiging “celibate” o pamumuhay ng walang sex nang mahabang panahon ang siyang dahilan sa kaniyang walang patid na tagumpay.

Dahil sa pag-iwas, mas nabigyan daw niya ng oras ang trabaho at mga kalakal – pati na rin ang pag-alaga sa kaniyang dalawang anak.

Kabilang sa itinuturing niyang tagumpay ay ang pelikulang “My Little Bossings” na tumabo nang husto sa kakatapos lang na Metro Manila Film Festival.

Susundan ba ng taong-bayan ang kakaibang halimbawa ni Kris?

Karamihan ng aming tinanong ay sumagot ng ‘hindi’ at pare-pareho ang dahilan kung bakit hindi titigilan ang sex…

“Ang sarap eh!”

"ang sarap eh"
“ang sarap eh”

 ••••••••••••••••

Nakakabahala ang balita tungkol kay Kris at ang kaniyang “pag-iwas at pagtitiis”.

Pero higit dapat tayong mabahala kung bakit ang balitang ganito na napaka-personal at maselan ay bininigyang kakaibang halaga ng media.

Alang-alang sa… ratings.

 ••••••••••••••••

Pinapabalik ng Commission on Audit (COA) sa mga opsiyales at tauhan ng 31 tanggapang-GOCC (Government-Owned and -Controlled Corporations) ang natanggap – nang walang pahitulot ng COA – na mga bonus at allowance noong 2012 na aabot ng P2.313 billion .

Narito ang sampung nanugnguna sa listahan at ang halaga ng kanilang obligadong ibalik:

1. Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), P1,651,084,000

2. Development Bank of the Philippines (DBP), P216,801,000

3. Region 7 water districts, P186,584,000

4. Philippine Charity Sweepstakes Office, P54,829,000

5. Philippine Economic Zone Authority, P48,500,000

6. Home Development Mutual Fund, P37,636,000

7. Butuan City Water District, P28,243,000

8. Development Academy of the Philippines, P23,838,000

9. Philippine National Oil Co. Exploration Corp., P14,518,000

10. Mactan-Cebu International Airport Authority, P14,406,000.

Mahirap magkakasaulian ng pera pagka’t malaking bahagi nito’y nagastos na. Higit dito, ang ganitong utos at paghahabol ay aabutin ng maraming taon.

At mauuwi sa… kalimot.

 ••••••••••••••••

Okay lang ang talunan? 

Nakakalungkot na hindi kinalampag: sa ating maraming taong paglahok sa SEA Games, ngayon lang tayo bumagsak sa ika-7 puwesto.

Natalo pa tayo ng Singapore na mayroong napakaliit ng populasyon na paghuhugutan ng mga atleta.

Pero, mukhang okay lang naman ito sa mga sports official natin.

Giit pa nga ni Peping Cojuangco, pinuno ng Philippine Olympic Committee, “ang silver medals ay katanggap-tanggap din naman tulad ng gold”.

Sa ganitong palpak na pag-iisip, dapat…  sipain!

"alis d'yan!"
“alis d’yan!”

 ••••••••••••••••

Huling hirit. Tinanggal na ng Dasmarinas Village Homeowners Association  ang security agency na nagawa pang humingi ng “sorry” nang magpilit dumaan si Mayor Junjun Binaysa gate na bawal daanan. Buti na lang, in-absorb ng bagong kinontratang security agency ang mga guwardiyang hindi bumigay sa puwersa ni mayor.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s