Advertisements

Ngayong 2014, dedma si PNoy sa puna

Kahit ang mga presidente, may New Year’s Resolution.

Para kay PNoy, una sa listahan ang dedmahin na lang ang mga puna at batikos sa kaniya ngayong bagong taon.

pnoy_null_14

“bahala na si Lord sa kanila…”

Kaya sarado ang mga tenga niya sa mga kritiko o sinumang bumubusisi sa diskarte niya bilang pangulo.

So, piyesta para sa mga sipsip at KKK (Kamag-anak, Kaklase, Ka-barilan) na pumapaligid sa kaniya.

Paalala lang, hindi dapat dinededma ang isang mahalagang liksyon ng kasysayan: ang pulso ng bayan ay kailangan laging ramdam – walang feedback, walang kuwenta.

 ••••••••••••••••••••••••

Natuyo na ata ang utak ng mga mambabatas at kung anu-anong katatawa o mababaw na panukala ang iniihahain: ang isa ay ang gawin si Andres Bonifacio na Pambansang Bayani. Meron ding panukala na nagnanais na gawing exempted ang Pambansang Kamao, si Manny Pacquiao, sa pagbabayad ng buwis.

brain

Isa pa sa kanilang naisipan ay ang balikan at bayaran ng mga amo ang SSS contributions ng kanilang mga kasambahay mula 1993.

May panukala ring bigyan ang mga mamamayang higit sa 100 taon ang edad ng 75% discount sa anumang bibilhin nila – pero walang kaukulang “tax rebate” o konswelo para sa mga nagbebenta ng mga bilihin.

Baka mas may pakinabang na tumulong na lang ang mga mambabatas sa paglinis ng mga lalawawigang hinagupit ng bagyong Yolanda.

 ••••••••••••••••••••••••

Konting kuwento, maraming kalakal. Ganito ang dating ng “My Little Bossings” ang pelikulang tumabo nang husto sa kakatapos lang na Metro Manila Fim Fest. Ampaw ang istorya ng No. 1 hit at tadtad sa pa-simpleng product placement o “casual” advertising.

No. 1 ang pelikulang ampaw

No. 1 ang pelikulang ampaw

Malamang sa kinita pa lang sa mga advertisers, “boundary” na amg mga prodyuser ng mababaw na pelikulang ito.

 ••••••••••••••••••••••••

Hula who? Sa isang fund-raising show para sa Yolanda victims, nagtaasan ang kilay ng mga organizers nang siningil sila ng kilalang entertainer ng talent fee na P100,000 at ilang libo pa para sa kaniyang wardrobe. Kaya, ang balak na kawanggawa’y nauwi sa fundraising – para sa… bigating talent. Magaling na entertainer, pero rated PG.  (Hindi Parental Guidance kundi, Patay Gutom).

rated pg

Huling hirit. Legal na ang marijuana sa Colorado, sa Washington at sa bansa ng Uruguay. • Nakakaranas ngayon ang napakaraming bahagi ng Amerika ng  “arctic chill”  o temperatura na malamig pa sa planetang Mars • Sa dami ng kailangang bayaran, binibenta ni Manny Pacquiao ang dalawa sa kaniyang mga magagarang bahay at lupa.

Advertisements

3 Responses to “Ngayong 2014, dedma si PNoy sa puna”

  1. Jose Patalinghug Says:

    Hindi naman puede yun. Kung kumikita ka at kahit sino ka man ay magbayad ka ng tamang buwis. Ang mali lang kay Kim Henares ng BIR ay ang timing ng kanyang pagsisingil ng buwis at ang pag freeze ng bank account ni Manny Pacquiao. She did what she did amidst the celebration and euphoria of Manny’s victory over Rios. And she says matagal na raw 2 yrs na. Well if the BIR had waited that long to collect Pacquiao’s tax due what is 2-3 weeks more until the excitement has died or simmered down. Her timing therefore created flak from a lot of sectors and sympathy towards Pacquiao and a dent on PNoy’s admin’s image. Even this writer’s initial reaction was to question Henares’ motive.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: