Advertisements

Para Sa Taong Astig – Regalong Astig

Ang hirap regaluhan ang mga taong bigatin.

Bilang tulong sa lahat, naglista ako ng ilang mga regalo na swak-na-swak sa ilang bigatin sa lipunan.

Kung napupusuan n’yong ibigay, sige lang. Ang aking pag-reregalo naman ay tulad ng isang nilikha kong kanta “sa isip ko” lang.

Pwes…
1. Anne Curtis – isang portalet… sariling comfort room na nakabuntot saan man siya tumungo. Nag-gagarantiya na pwede siyang manatili sa loob nang walang aabala… walang sinumang mamadaliin siya. Lalamig ang ulo ni Anne… hindi maiisipang manampal.

anne

2. Sen. Juan Ponce Enrile – isang download ng “Candy Crush” para ipalit sa nilalarong “Bejewelled” game sa kaniyang iPad na ubod ng tanda na. (Ang game, hindi siya.)

bejwelled

3. Mayor Alfred Romualdez – isang kahon ng Kleenex. Para lagi niyang handang pahiran ang mga luha tuwing kalooban ay bumibigay at nadadala ng emosyon.

kleenex

4. Eduardo del Rosario, Executive Director (National Disaster Risk Reduction and Management Council) – isang calculator para walang dagdag-bawas sa bilang ng mga nasawi sa hagupit ng supertyphoon Yolanda.

abacus

5. Ping Lacson – isang headphone na de-roskas sa tenga para walang bubulong-bulong, hihiling-hiling sa kaniya habang tinutupad ang bagong tungkulin bilang Presidential Assistant for Rehabilitation & Recovery.

6. Joey “Pepe” Smith – isang parangal bilang National Artist for Music. Sa loob ng higit 40 taon, daan-daang Pinoy ang na-inspire ni Pepe na sumabak sa musika – kahit pa mang ito’y landas na walang katiyakan, walang pera – o pareho.

papa pepe

papa pepe

7. Manny V. Pangilinan – isang libong payong… kakailanganin niya pagka’t pagtaas ng singil ng Meralco, uulan ng kamatis. Sa direksyon niya.

uulan ng kamatis

uulan ng kamatis

8. Mga employee ng Ace Hardware o TruValue – isang lugar para sa bawat tindahan, na nasa tamang puwesto… sa labas ng mall. Para ligtas sa perwisyo at katangahan ng mga pulis. Kamangmangan ang pagbawal o pahirapan ang pagbebenta ng martilyo pagkat makakaisip lang ng ibang paraan para makapagnakaw ang mga kriminal. Laging gamit ng masasamang loob ang utak nila – samantalang ang utak ng mga hepe ng pulis, mukhang laging nakabakasyon.

9. Congressman Gloria Macapagal-Arroyo – isang matinding milagro, para makapagdiwang ng Pasko sa sariling bahay. Wala sigurong aangal kung ang mister niya muna ang siyang mag-rerelyebo sa Veterans.

fg... fg... fg naman!

fg… fg… fg naman!

10. PNoy – isang linggong “leave of absence”. Kailangan niyang ipahinga ang pagod na utak para mabawas-bawasan ang mga hindi inaasahang ‘aksidente’ (tulad ng pagbigkas ng “bahala na si Lord sa kanila…”). At para makapag-date. Kailangan niya yan – tao lang po.

inlove

Huling hirit. Maligayang Pasko sa inyong lahat!

christmas

Advertisements

%d bloggers like this: