Ping: Tinanggap ang puwesto — ‘di para mabigo

 dennischu
 

Tapos ng maraming araw ng paghihintay, natuloy na rin ang pagsumpa at pagkatala ni dating Senador/General Ping Lacson bilang “rehabilitation czar”.

pingswear

Ang pormal na titulo niya ay “Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery” – pinakabagong miyembro ng gabineta at pantay sa lahat ng ibang kalihim nito.

May karapatan si Ping na humiling at tumanggap ng pondo para sa mga proyektong magpapabangon at magpapasigla sa mga lugar na hinagupit ng super typhoon Yolanda. 
 
Plano ng rehabilitation czar na limitahin ang kaniyang mga tauhan pero titiyakin na bawat isa sa kanila ay matitindi at masisipag.
 
Dagdag pa niya, tinanggap niya ang puwesto – hindi para mabigo – pero, para mabuhos ang kaniyang kakayahan sa ikabubuti ng Eastern Visayas.
 
Pagdasal na lang natin na hindi maulanan si Ping ng intriga, sisi at batikos habang ginagampanan ang kaniyang bagong tungkulin. 
 
••••••••••••••••••••••••
 
Kung ayaw, wag pilitin. Tapos ng matinding buhos ng bagyong Yolanda, nakipag-miting si DILG Mar Roxas kay Tacloban Mayor Alfred Romualdez.
 
Nakunan ng video ang miting na ito kung saan makikita natin na sa loob ng 42 minuto at 55 segundo ay matiyagang pinaliwanag ni Mar ang intensyon ng national government.
 
Mahinahon… teknikal… klaro parang abugado, humiling siya ng isang kasulatan sa alkalde na nagsasaad na pinapahintulutan ng lokal na pamahalaan ang national government na pangunahan ang pag-ayos ng situwasyon sa Tacloban. Inisa-isa ni Roxas ang mga dahilan kung bakit mainam mangyari ito. Kailan man, wala sa usapan na dapat magbitiw si Mayor.
 
Habang nagpapaliwanag si Mar, para namang naguguluhan o sadyang walang balak sumang-ayon si Romualdez.
 
Natapos ang video. Pero mukhang nagpatuloy pa ang diskusyon at malamang – sa pagod at hirap mapasang-ayon si Romualdez – napabiro si Mar at nasabi “bahala kayo sa buhay niyo”.
 
••••••••••••••••••••••••
 
Hula who. Malaking iskandalo kamakailan. Nasa silid ang bida natin at napikon nang pinagmadali siyang tapusin ang ginagawa. Nagpu-pulbo lang daw. Pero kung Johnson’s Baby Powder ang gamit niya… siya lang ang nakakaalam. 
 
••••••••••••••••••••••••
 
Huling Hirit. Suspetya ng ilang mga peryodista na hindi malabas-labas ni Pacman ang kaniyang income tax return noong 2009 pagka’t iyon ang taon na siya ay naging US green card holder – na malamang nakasaad sa dokumentong pinaghahanap ng Bureau of Internal Revenue.
 
Sintinding problema ang naghihintay kung mapatunayan na nang tumakbo si Manny at nagwagi bilang Kongresista – green card holder (at US resident) na siya, pati ang misis niya.
 
Bawal ito, Mr. Congressman at Mrs. Vice Governor. 
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s