Kuratong Baleleng – Mabubuhay Na Naman?

Kawawang Ping Lacson.

Tuwing siya’y laman ng balita, laging may bubuhay at bubuhay ng isyung Kuratong Baleleng – ang grupo ng mga kriminal na kilabot sa kidnap for ransom at mababangis sa holdapan.

Masigasig na nilalako ng mga matindi ang galit kay Lacson ang istoryang siya ang may pakana ng rubout ng grupo noong kaniyang termino bilang PNP Chief.

Talo pa si Kristo sa paulit-ulit na pagbangon at "unli" na pagkabuhay ng Kuratong Baleleng
Talo pa si Kristo sa paulit-ulit na pagbangon at “unli” na pagkabuhay ng Kuratong Baleleng

Maraming napapaniwala – nalilimutan na maraming beses nang binasura ang akusasyon at kaso laban kay Ping –  sa maraming hukuman, kasama na rito ang pag abswelto sa kaniya ng Korte Suprema.

Talo pa si Kristo sa paulit-ulit na pagbangon at “unli” na pagkabuhay ng Kuratong Baleleng. Dapat tuluyang ilibing na ang isyung ito pagka’t – sa totoo lang – nakakarindi na.

•••••••••••••••••••••••••

Tinalaga ni Pangulong Benigno S. Aquino si dating Senador Ping Lacson bilang reconstruction czar para tutukan, pangunahan at mamahala sa pagbangon muli ng Leyte, Samar at iba pang mga lugar sa Bisayas na hinagupit ng supertyphoon Yolanda.

binisita tayo ng Yolanda - ang pinakamatinding bagyong tumama sa planeta
binisita tayo ng Yolanda – ang pinakamatinding bagyong tumama sa planeta

Sang-ayon ang maraming mambabatas at negosyante sa appointment ni Lacson. Pati ang mga kritiko ng dating Senador – kabilang na ang bigating mga kolumnistang si Mon Tulfo at si Conrado de Quiros – ay boto sa pagpili kay Ping.

Kilalang “action man” at disiplinado si Lacson… at isa sa iilang mapapagkatiwalaang aalagaan (para hindi ma-Napoles) ang bilyun-bilyong budget na nakalaan sa reconstruction.

Pati ang bigating mga kolumnistang si Mon Tulfo at si Conrado de Quiros ay boto
Pati ang bigating mga kolumnistang si Mon Tulfo at si Conrado de Quiros ay boto

Kung matagumpay ang diskarte ni Ping, malaki ang magiging pasasalamat kay PNoy ng bayang walang patid ang suporta.

Hustong makakabawi ang Pangulo:

Nakakatatlo’t kalahating taon na siyang nakaupo  – pero marami sa kaniyang mga pinangako, hindi pa rin natutupad.

Problemang malaki pa rin ang kuryente. Mercalco magtataas ng singil. Sa Mindanao, tuluy-tuloy ang napakahabang, nakababanas na brownouts.

Pinangakong sapat na bigas, hindi pa rin sapat.

Ang pinagyabang na gagawing “fully operational” na NAIA 3, drawing pa rin.

Ang pagagandahing NAIA 1, pangit pa rin.

Kulang na kulang pa rin ang mga classoom.

At malaking porsyento ng populasyon – walang matumbok na trabaho.

Mailap pa rin ang kapayapaan. Tuloy pa rin ang bakbakan laban sa mga rebeldeng Muslim… at sa mga NPA.

Pati China, tinutulak tayong makipag-gyera.

At ang gyera laban sa korapsyon… hindi pa rin mapana-panalo.

Sa awa ng Diyos, ang reconstruction ang simula na ng tunay na pagtindig ng bansa – pagbangon sa mga kalamidad at sa napakaraming problema nitong hinaharap.

•••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Nakakadismaya na ang away nila Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Miriam Defensor-Santiago. Parang aso’t pusa at walang pinag-aralang mga bata. Puro na lang siraan, murahan at laglagan. Mahiya naman kayo sa amin… ang mga nagpapasuweldo sa inyo!

parang askal at pusakal na nagkakasakitan
parang askal at pusakal na nagkakasakitan
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s