Advertisements

Pacman vs Taxman – Tagilid na Laban

hindi patas ang laban

hindi patas ang laban

Matagumpay si Manny Pacquiao sa laban niya sa Macau. Pero pag-uwi sa Pinas, pinabagsak ng ibang klaseng knockout: ang mga deposito niya sa bangko ay inipit at pinagbawalang magalaw.

Giit ni BIR Commissioner Kim Henares na alam ni Pacman na mangyayari tio  – dalawang taon na siyang hinahabol ng BIR para sa kabayaran ng karagdagang buwis.

Sabi ni Pacquiao na husto ang binayaran niya. Sabi ni Henares kulang pa.

Kumplikado ang kasong ito kaya wag na nating himayin.

Ang atupagin natin ay kung sino ang papanigan ng publiko. At mukhang sa aspetong ito, si Pacman ang wagi at naririto kung bakit.

1. Si Pacquiao ay hindi lamang ang People’s Champ… siya rin ang bida sa Teleserye ng Buhay Pinoy. SInusubaybayan at kinalolokohan ng bansa ang mga teleserye sa telebisyon. May pormulang sinusunod: ang bida  ay sinasaktan o inaapi nguni’t siya’y nakakabangon at may ilang biyayang nakakamtan, kabilang na ang pagiging  1) mayaman, 2) maganda o guwapo, 3) minamahal at hinahangaan, 4) matagumpay sa paghihiganti, 5) walang sing-saya ang buhay.

Eksakto sa buhay ni Pacquiao: galing sa mahirap na pamilya… naglayas… walang matirhan at makain… pinasok ang kung anu-anong trabaho… sinubukan ang boksing… at pina-bilib ang buong mundo nang maging pinakamahusay na kampeon nito.

Sang-ayon man kayo o hindi, si Pacquiao ang bagong FPJ. Siya ay isang bayani sa marami ng ating kababayan. Ang katunggali naman niya (ang gobyerno), negatibo ang dating: mahina at puro pagnanakaw – lalo pang kinasuklaman dahil sa pork barrel scams.

2. Wala sa timing ang pagbanat kay Pacquiao. Kakatapos lang tayo hagupitin ng pinakagrabeng bagyong tumama sa planeta. Ang mga biktima – pati na rin ang buong bayan – ay nakakaramdam ng matinding lungkot. Ang tagumpay ni Pacquiao sa kaniyang pinakahuling laban ay nagdulot ng pansamantalang saya at paniniwalang may pag-asang makabangon pa.

 

sa marami - siya si santa pacman

sa marami – siya si st. pacman

Si Pacman ang naging simbolo na gaganda uli ang buhay. Ang makitang “ginigipit” ang simbolo ay maaaring hindi katanggap-tanggap sa marami.

3. Maganda ang kinikilos at binibitawang salita ni Pacquiao. Walang binatbat ang mga ispesyalista ng gobyerno sa larangan ng public relations. Marami kasi sa kanila ay anak-mayaman at walang pulso sa sentimyento ng masa.

Kaya naman, nang sinabi ni Pacman na “ang pera kong iniipit ngayon ng BIR ay hindi nakaw. Hindi ito PDAF o DAP. Ito’y galing sa mga suntok, pawis at dugo na tiniis ko…”

Tapos na ang boksing.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: