PNoy: Tinimbang… Kulang

scales

Marami akong natutunan at patuloy na natututunan kay Greg Macabenta, isang hinahangaang utak sa larangan ng advertising at mabentang scriptwriter ng mga pelikulang Pilipino noong dekada ‘70.

Kamakailan, sa pamamagitan ng column niya sa isang lokal na dyaryo, inilabas ni Greg ang hinanakit niya sa diskarte ni Pres. Benigno S. Aguino sa pinsalang dala ng super typhoon Yolanda.

Mapait ang mga sinulat ni Greg. Pero, hindi kataka-taka: kahit siya ay nakabase na sa Amerika, patuloy na tumitibok ang puso ni Greg para sa Tacloban – tahanan niya ng maraming taon.

Greg Macabenta
Greg Macabenta

Heto – sa wikang Pilipino – ang bahagi ng mga hinanakit ni Greg:

Mapapantayan ba ni President Benigno S. Aquino III ang mga hinahangaang lider sa kasaysayan? Nagdudulot ba siya ng inspirasyon sa panahon ng krisis? Nabubuhayan ba sa kaniya ang mga mahihina ang loob? At maluwag ba niyang tinatanggap ang pagkabigo at pagkakamali?

Philippine President Benigno Aquino salutes during a wreath-laying ceremony to commemorate National Heroes Day at the Tomb of Unknown Soldier Monument at Fort Bonifacio

Ayon sa mga bali-balita, si Aquino ay tinimbang nguni’t kulang.

Bago pa hinagupit ng super typhoon ang Visayas, inihayag ni Aquino sa telebisyon na handang-handa na ang pamahalaan : “fully mission capable” na raw ang mga eroplanong C-130 ng bansa at ang 32 eroplano at helicopter ng Philippine Air Force. Pati ang 20 barko ng Philippine navy, nakapuwesto na sa Cebu, Bicol, Cavite at Zamboanga. Ang mga relief goods naman, nakahanda at “pre-positioned” na sa ilang mga lugar na tatamaan ng super typhoon na may dalang hanging may bilis na 280 kilometers kada oras.

Pero, ano ka? Tapos ng bagyo, lahat ng sisi ay pinukol ni Aquino sa mga lokal na oposyales ng Tacloban, ang pinakamatinding tinamaan ng bagyo. Sa isang miting na dinaluhan ng mga lokal na opisyales at negosyante, lumabas ang pagka-arogante ng Presidente. Nang may nagreklamong negosyante tungkol sa mga looter at kung papaano siya pinaputukan ng mga ito, ang sagot ni Aquino, “Di ka naman napatay, di ba?”

Sinisi ang lahat - pero hindi ang sarili
Sinisi ang lahat – pero hindi ang sarili

Foul iyon. Mahirap patawarin kung galing sa ordinaryong tao. Kasumpa-sumpa kung galing sa pangulo ng bayan.

Imbes na maging inspirasyon, kabaligtaran si Aquino – ininsulto pa niya ang mga namatay sa delubyo. Nag walk-out pa sa miting nang walang gustong tumanggap ng sisi na pinaulan niya.

Bumalik si Aquino sa Tacloban upang “tiyaking magkakaroon ng kaayusan sa buong lalawigan ng Leyte”. Pero patuloy niyang sinisisi ang mga lokal na opsiyales habang hindi naman ni minsan tumanggap kahit kaunting sisi.

Ba’t siya ganito? Simple ang sagot: kulang sa pagkatao at paninindigan ng isang tunay na lider.

Advertisements

2 thoughts on “PNoy: Tinimbang… Kulang”

  1. eh kc nakakanlong parin sya sa saya ng nanay nya, sa senado nga tulog lang sya ng tulog tulo laway pa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s