Advertisements

Saka na ang yabang – tulong muna

Sa isang interbyu, pinagyabang ni DOST Sec. Ramon Paje na, bago pa tumama ang super typhoon na Yolanda, alam na ng kagawaran na magdudulot ito ng storm surge (ang pag-apaw ng tubig-dagat sa lupa) – sukat pa raw nila pati ang taas ng alon na dala nito.

anyare

Nakakalungkot lang pagka’t ang yabang at kaalamang ito’y hindi sinabayan ng mga konkretong hakbang ng kagawaran – maging ng buong pamahalaan – kaya namang napakaraming nasawi.

Pati ang mensahe ni Presidente Benigno S. Aquino noong gabing bago bumuhos si Yolanda ay medyo may pagkukulang – nagtanim ng maling kompyansa sa bansa.

Sabi niya, “Fully mission capable po ang tatlo nating C130 upang rumesponde sa nangangailangan. Naka-standby na rin po ang 32 na eroplano at helicopter ng ating Air Force. Nakapusisyon na po ang 20 barko mula sa ating Philippine Navy sa Cebu, Bicol, Cavite, at Zamboanga. Ang mga relief goods ay naka-preposition na rin sa karamihan ng mga apektado o maaaring maapektuhang lalawigan.”

Dinadagdag pa niya na “zero casualty” ang target ng pamahalaan.

Ang mga pangako ay todong napako sa mga lugar na inararo ng super typhoon. Maraming namatay; inabot ng siyam siyam bago makarating ang tulong.

Sa mga panahong tulad ngayon, walang lugar ang mensaheng ampaw. Ang kailangan ay mga pananalita na makakapag bangon-loob sa mga mamamayang unti-unting nauubusan na ng pag-asa at pasensya.

••••••••••••••••••••

Ikinagalit ng mga kaalyado ni PNoy ang inihayag ng CNN brodkaster na si Anderson Cooper. Giniit ni Cooper na napansin niya na tila walang namumuno, walang gobyerno sa Tacloban. Limang araw tapos ng bagyo, kay rami pa ring patay na nagkalat sa kalye at ang inaasahang tulong ay hindi maramdaman ng mga kawawang biktima.

Pinatulan ng TV/radio host na si Korina Sanchez ang pahayag na ito at sinabing hindi alam ni Anderson Cooper ang kaniyang pinagsasasabi.

mahadera

Mas mainam siguro kung nanahimik na lang si Korina. Bilang asawa ni DILG Sec. Mar Roxas na nagtungo sa Tacloban bago pa dumating si Yolanda, parang asiwa na mag-komento siya sa isyung ito.

Ang mga foreign correspondent ay sadyang prangka magsalita – wala namang masamang intensyon kundi ihayag ang situwasyong kanilang nasasaksihan.

••••••••••••••••••••

Habang ginigiit ng pamahalaan na kontrolado nila ang situwasyon sa Tacloban… 33,000 sako ng bigas ang tinangay ng mga tao mula sa isang warehouse ng National Food Authority. Kontrolado ang situwasyon? (At dahil sa super typhoon, papaano na ngayon ang pinagmamalaking rice sufficiency ni DA Sec. Proceso Alcala?)

loooting

••••••••••••••••••••

Huling Hirit. 

Ang mga mahuhusay na lider sa kasaysayan ay hinahangaan – hindi dahil napigilan nila ang sakuna, nguni’t – pagka’t nang dumating ang sakuna, dulot nila’y inspirasyon para malampasan at magtagumpay sa kahirapang hinaharap.

come&dine

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: