HK – sinong tinatakot nyo?

Hindi pa rin makuntento ang Hong Kong sa pagpapaliwanag at mga “sorry” ng ilang opsiyales natin sa pamilya ng mga biktima ng Luneta hostage crisis noong 2010.

Ngayo’y may panukala ang kanilang mga mambabatas para wag nang hayaan ang mga Pilipinong bumisita sa Hong Kong nang walang visa – kontra sa nakasanayan na natin.

HKIA

Sa totoo lang, hindi ang mga Pilipino ang mawawalan kung gawing “no visa, no entry” ang Hong Kong sa mga Pinoy. Ang mga negosyo sa Hong Kong – ang mga hotel, mga shopping center at kainan –  ang maaapektuhan: hihina, lalangawin.

walang pinoy... hihina, lalangawin
walang pinoy… hihina, lalangawin

Pagkakataon itong madiskubre ng mga Pilipino ang ibang mga karatig-bansa natin na mas maganda ang shopping-ngan, mga tanawin at mas kaunti ang bastos sa turista.

Andyan ang Kuala Lumpur at Jakarta – kung saan ang anyo ng mga tao ay di naiiba sa atin. Pati panlasa sa pagkain – swak! Nagkakamay pa nga, tulad natin, para mas ganado ang tsibugan.

handeat

•••••••••••••••••••••••••••••••

Nakapagtataka. Umalis si Sen Jinggoy Estrada kamakailan patungong Amerika. Dahilan niya ay para samahan ang misis niyang nais kumuha ng pangalawang opinyon tungkol sa isang kuwestyong medical.

Ang ikinagulat ng marami, umalis ang senador na hindi naman kasama ang asawa niya.

consultation.006

Lumipad tuloy ang mga ispekulasyon.

Umiiwas sa pagkanta ni Janet Napoles sa Senado? Nagdeposito ng pera? Nag-withdraw ng pera?

Hihingi ng political asylum sa Amerika?

Walang imik si Sen. Jinggoy sa mga haka-haka at namataan sa isang mall sa San Francisco.

Hindi na raw “sexy” – ayon sa isang nakakita. Malamang, biktima ng stress – pinapalakas ang kain.

•••••••••••••••••••••••••••••••

Hula who? Isang kalihim na hindi matagumpay sa kasalukuyang puwesto ay balak ilipat sa isang higit pang sensitibong kagawaran. Palpak dati, hindi kaya pumalpak uli?

•••••••••••••••••••••••••••••••

Walang lusot sa netizens. Pinuna ng mga suki ng internet si Arnold Clavio, isang brodkaster ng GMA 7.  Ito ay tapos ng kaniyang interbyu kay Atty Alfredo Villamor, isang abogado ni Janet Lim Napoles.

Medyo bastos at arrogante kasi ang dating ni Clavio sa nasabing interbyu. Kawawa ang abogado na nagtiyagang magpaliwanag na hindi niya masasagot ang mga tanong tungkol sa pork barrel scam dahil ibang abogado ang humahawak nito.

Porket siya’y bahagi ng media, hindi nangangahulugan na may karapatan na si Clavio na mambastos ng kapwa.

•••••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit.

ANGEL:   Pare, parang ang lalim ng iniisip mo

ERNIE:   Nanaginip ako kagabi na kasama ko ang lahat ng contestants sa Ms. Universe Pageant…

ANGEL:  Suwerte mo naman… so anong problema?

ERNIE:   Pare, ako’ng nanalo.

xmasBazaar3

Just click: www.chubibo.wix.com/xmasbazaar

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s