Advertisements

Sementeryo – walang dead spot!

deadend

Kahit bawal ang karaoke, alak at pusoy, sasaya pa rin ang mga dadalo sa South Cemetery sa Makati ngayong Undas. Ito’y dahil sa libreng WIFI na alay sa buong sementeryo.

freewifi

Kaya, habang pinagdarasal ang mga yumaong minamahal, maaari pa ring mag-update ng status sa Facebook o mag-selfie at mag-picture picture ng masasarap na pagkain sa puntod.

Iba talaga sila sa Makati!

 •••••••••••••••••

Si Janet at Lorna… hindi na sila. Nagulat ang lahat nang magbitiw si Lorna Kapunan bilang abogado ni Janet Napoles sa kasong illegal detention kay Benhur Luy.

napkap

Kaliwa’t kanan ang ispekulasyon.

Kesyo hindi na kaya ni Napoles ang budget ni Kapunan. Sabi naman ng iba’y hindi na masaya si Napoles sa taktika ni Kapunan. Hirit ng iba: hindi sang-ayon si Kapunan sa diskarte ng isa pang abogadong kinuha ni Napoles. Samantala’ng sigurado ang ilan na ito ay isang pakulo lamang para patagalin ang pagdinig sa kaso.

 •••••••••••••••••

Ang daming kontrobersya na dawit ang Department of Agriculture – nabubulok na bigas, smuggled rice, abonong walang bisa, pekeng NGOs – pero hanggang ngayo’y bihira ang sumisita o humihingi ng paliwanag sa namumuno ditong si Proceso Alcala.

Dalawang bagay lang: magaling talaga o… malakas talaga siya.

Pero sa bagong kontrobersya, panis si Alcala. Kinarir kasi niya na matalaga ang dati niyang alipores sa Kongreso noong kongressman pa siya.

ang tanong ng bayan

ang tanong ng bayan

Ang alipores ay nagtungo na sa America kung saan siya ay isang citizen.

Kontento na siya at nanahimik sa isang maliit na bangko; ang tungkulin ay sa larangan ng customer service – hindi caregiver, tulad ng ginigiit ng marami.

So, biningwit ni Alcala si alipores at ginawang hepe ng National Food Authority (NFA) – ang sensitibog ahensya na naatasang siguraduhing ang mga mamamayan ay laging may pagkain sa hapagkainan.

Katakataka: may 100 milyong Pilipino – walang umubra sa puwestong ito. Parang PBA, kumuha pa tayo ng import. Paki-eksplika ang proceso, Mr. Secretary?

 •••••••••••••••••

Huling hirit.

ANGEL:    Hon, anung gift mo sa akin sa silver anniversary natin?

MISIS:   Dadalhin kita sa China.

ANGEL:  Wow, ang sweet naman. E, sa golden anniversary natin?

MISIS:  Susunduin na kita.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: