Advertisements

Kalbaryo sa Metro – MRT

Kawawa talaga ang mga sumasakay sa MRT – kalbaryo araw araw.

Sa umaga, pilang kay haba-haba. Pagdating mo sa platform, pawis na pawis, amoy-araw.

Kung mamalas-malasin ka pa: titigil, titirik ang tren.

Sa hapon, pila na naman. At siksikang parang sardinas sa loob ng tren.

mrtthoughts.004

Ang katakataka, may nakalaang pondo naman para pagaangin nang kaunti ang kondisyon ng mga pasahero.

Kaya lang… hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa rin ng mga opsiyales ang mga planong kay tagal nang nakatengga sa kanilang opisina.

Pag-aralan nyo na lang nang habangbuhay – mga bugok!

••••••••••••••••••••••••••••

Sabi ni PNoy ay binatikos lang ng taong bayan ang DAP (Disbursement Acceleration Program) nang pumutok ang pork barrel scam. Sensya na, serr… inamin ng maraming senador na hindi nila ni minsang naka-enkwentro o nadinig ang katagang “DAP” sa Senado. Bagong invention ito ng mga alipores nyo.

At humirit na naman si Palace spokesman Edwin… Pinocchio… este… Lacierda. Una’y sabi niyang maraming pera ang pamahalaan para matulungan ang mga biktima ng lindol sa Bohol at Cebu.

lacier

Kinontra naman siya ng ilang kapwa-alipores na iginiit na ubos na ang calamity fund… at bibingwit na lang ng pondo sa DAP – na kwestionable pa rin.

Aba… balak pang pahiran ng Rexona ang nangangamoy na DAP.

Mga alipores, pag-aralan nyo ang script nyo.

••••••••••••••••••••••••••••

Speaker na hindi marunong mag-speak. Nang tinanong siya kung bakit walang inaalok na tulong ang Kongreso sa mga biktima ng lindol, sinabi ni Speaker Sonny Belmonte na ang Lower House ay hindi tulad ng Senado; ang mga kongressmen ay may mahigpit na pananagutan sa mga lugar na kanilang kinakatawan.

Huh?

belmontete.004

Hindi kaya maaaring mas ginawang taong-tao ang kaniyang sagot, tulad ng “… mag-aambaggan kami..”?

••••••••••••••••••••••••••••

Totoo ba ang tsismis? May namataang mambabatas daw na naglakad nang paluhod mula sa pinto ng Baclaran Church hanggang sa altar. Ito raw ay pagkatapos mapirmahan ang subpoena na iniuutos ang pagdalo ni Janet Napoles sa Senate hearing tungkol sa pork barrel scam.

kneeling

Ito rin kaya ang mamababatas na humiling na hayaan siyang ibalik na lang ang milyun-milyong nabulsa – kasama pati interes?

janetconcert

••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit.

ERNIE:  Bakit mas malakas umutot ang lalaki sa babae?
ANGEL:  Dahil may mike sila sa harap!

ANGEL:  E, bakit may echo kung umutot ang babae?
ERNIE:  Kasi malapit sa kuweba!

••••••••••••••••••••••••••••

Lessons Learned from the M’am Janet Episode

pinasukan

magastos.001

fairweather.001

destined.001

jester.001

papicture.001

badhair.001

NEVERAGAIN.001

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: