Advertisements

Number 1 – NAIA 1!

Binansaggan ng grupong “The Guide to Sleeping in Airports” ang NAIA 1 bilang “worst airport in the world”.  Sumusunod sa ating airport ang mga terminal ng  2.Bergamo, 3. Calcutta, 4. Islamabad, 5. Paris Beauvais.

guide-sleeping-airports-needs-logo-logo-design-99designs_19259353~b7a96eff694c73886e7895de0f84a1681514af58_largecrop

Ang pagpili ay binabase sa pagboto, sa mga komento sa Facebook at sa pagsusuri ng mga travel expert. Para “mapili” kailangang husgahan ang bawat airport base sa four C’s – comfort, convenience, cleanliness at customer service.

Ninoy-Aquino-National-Airport-Terminal-1-270x179

Nang si Mar Roxas pa ang DOTC Secretary noong 2011, naglaan ang pamahalaan ng P1-Billion para pagandahin ang NAIA 1. Hanggang ngayo’y nakatengga pa ang pondo at wala pang nasisimulan na pagpapaganda.

••••••••••••••••••••••••••••••••

Todo umay na! Kamakailan, nang nag-dive ang trust rating ni Pres. Benigno S. Aquino, sinisi niya ito sa nakaraang adminsitrasyon.

Nang unang naupo ang administrasyon, si Gloria Macapagal-Arroyo ulit ang sinisi sa kakulangan ng pondo.

Ngayong nagkakagulo sa pork barrel scam… dyaran – si GMA na naman ang may kagagawan.

blaming

Tatlong taon nang nanunungkulan si PNoy at panahon nang maging maginoo.  Ang pobreng GMA ay bagsak na ang timbang sa 80+ lbs at gumagrabe ang kondisyon ng kalusugan.

Panahon nang akuhin ang maraming sisi at puna sa sariling mga tao at pamamalakad ni PNoy.

Andyan naman ang mga korte para ipagtanggol o ikondena si PNoy base sa ebidensya.

••••••••••••••••••••••••••••••••

Umiinit ang ulo ng marami, tumataas bigla ang BP tuwing nababanggit ang pangalan ng Philhealth.

Nahayag kasi ang balita na kahit kapos sa financial target sa halagang P3.5 Billion ang naturing ahensya, nagawa pa rin ng Philhealth na magpamudmod ng P1.5 Biliion na bonuses sa mga opisyales at empleyado nito.

atm

Hindi natutuwa ang mga ospital na – hanggang nagyon – ay di pa nababayaran ng Philhealth para sa serbisyo nila.

Sabi ng tagapagsalita ng ahensya na “legal” at tatayo sa korte ang mga bonus na pinamigay.

••••••••••••••••••••••••••••••••

Kawawang Bohol at Cebu. Parang binagsakan ng 32 na atomic bomb ang dalawang lalawigan.

Kaya ang mga sentro ng ating kultura… ay giba-giba na. Ang maraming mga simbahang panahon pa ng mgaKastila ay puro bato nalang.

Ang mga pook na nang-eenganyo sa maraming turista – may kagandahang sa litrato na lang.

rebuild.001

Marahil ay dito dapat ibuhos ang kinasusuklamang “pork barrel”. Ang mga ito’y tatagal ng maraming taon – hindi kagaya ng mga magagarang bahay at makikinis na sasakyan na bisyo ng mga buwayang sinasarili ang “pork barrel”.

••••••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit.

ERNIE: Pare, ang lakas ng boses mo! Tuwang-tuwa ako! Mukhang natuto ka nang lumaban kay mare, ah?!
ANGEL: Wala siya kagabi, pare, kaya nagpraktis ako

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: