Advertisements

Di natutuwa si Ping

Kahit na may binabalak na bagong posisyon para sa kaniya ang Palasyo, hindi nagdalawang isip na ilabas ni dating Senador Ping Lacson ang sama ng loob sa ikinagulat na pagkakasangkot sa kaniya sa kontrobersyal na DAP (Disbursement Acceleration Program).

12-year abstinence sa pork

12-year abstinence sa pork…

“Ni singko ay wala akong tinanggap na pork barrel sa sandosenang taong paglilingkog bilang Senador… isasali nyo pa ako sa DAP na iyan,” sabi ni Sen. Ping.

Una kasing inihayag ni Science and Technology Secretary Mario Montejo na naglaan ng P50 Million si Lacson mula sa DAP para tulong sa Malnutrition Reduction R&D Program ng DOST.

Nang kinundena ni Lacson ang pahayag na ito, agad namang inamin ni Montejo na hindi galing sa DAP o sa anumang pork barrel ang pondo nguni’t mula sa aprubadong budget na dumaan sa masusi at legal na proseso.

Humingi ng paumanhin si Sec. Montejo kay Sen. Ping.

Maraming humanga kay Sen Ping. Kahit malaki ang posibilidad na magagalit sa kaniya ang Malacanang, hindi niya nagawang pagtakpan ang administrasyon dala ng prinsipyo niya.

•••••••••••••••••••••••••••

Isa pang kahanga-hanga ay si dating Senador Kiko Pangilinan. Kahit na may naghihintay na posisyon sa kaniya si Presidente Noynoy sa Department of Agriculture, nagpasya siyang tanggihan ito. Magpapahinga na lang daw siya muna at ilalaan ang oras para sa kaniyang pamilya.

Wise si Sen Kiko… lahat ng problema hinggil sa pork barrel ngayon, sangkot ang DA.

magtanim ay di biro...

magtanim ay di biro…

Mas mainam para sa kaniya ang magsaka na lang:  walang inaalalang pagpapaliwanag sa bilyun-bilyong pisong pondo, mas mabagal pa’ng madadagdagan ang kaniyang namumuting buhok.

•••••••••••••••••••••••••••

Hula who. Pinangalanan na ng isang manunulat na taga-Jakarta ang opisyales ng isang napakahirap na lalawigan na may may dalawang magara’t mamahaling kotse. Ang mga ito ay nasa lihim na garahe na kaniyang hinaharurot tuwing umuuwi sa Maynila. Ang tinutukoy na lalawigan ay nagsisimula sa letrang “B”, as in “buwaya”.

whoGDG

artwork by GDG

•••••••••••••••••••••••••••

Kung walang tinatago, walang dapat ikatakot. Nagtataka ang marami kung bakit si Spokesperson Ewdin Lacierda o si Sec Ricky Carandang ang kadalasang sumasagot sa mga tanong na may kinalaman sa Department of Budget  Management at sa hepe nitong si Sec. Butch Abad.

the "silent" type?

the “silent” type?

May iskrip kayang sinusundan? At, mahina’ng mag-memorya si Sec. Abad?

•••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit.

ERNIE:  Ano ang kaibahan ni Prince Charles sa kulangot?

ANGEL: Si… si… sirit…

ERNIE:  Si Prince Charles ay heir to the throne.

Ang kulangot ay thrown to the air!

ang dinudumog na art show - mga titik sa kanta ni Hotdog Dennis Garcia na binuhay sa canvas at pintura

ang dinudumog na art show – mga titik sa kanta ni Hotdog Dennis Garcia na binuhay sa canvas at pintura

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: