Dis is a holDAP!

Pinag-uusapan ng buong bayan ang karagdagang pondong umaabot ng halos P1.2 billion na ipinamahagi sa ilang mga senador.

Binansaggan itong DAP (Disbursement Acceleration Program) ng administrasyon at wala diumanong relasyon sa PDAF o pork barrel.

koyang

Sabi ng palasyo na ito ay legal – hindi pork barrel, kundi savings daw. Savings ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na kailangang magamit agad-agad para bumilis-bilis ang pagsulong ng ekonomiya.

Sabi naman ni Senate President Franklin Drilon na ito’y bahagi ng PDAF, nakalaang budget na pansamantalang na- “suspend”.

Giit ni UP professor at dating Budget Secretary Ben DIokno na ang DAP ay illegal – hindi basta-bastang puwede hiwa-hiwain ang budget o maglaan ng anumang bahagi nito para sa hindi aprubadong proyekto na walang pahintulot ng Kongreso.

Nagsimula ang lahat ng debate nang inamin ni Sen Jinggoy na nakatanggap ang kada senador – mula P50 million hanggang P100 million – na pang-enganyo para masigasig nilang sipain sa puwesto ang dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona noong impeachment trials.

Ang nangyayari ngayon ay KKP – Kaniya-Kaniyang Paliwanag… Kaniya-Kaniyang Palusot.

Sa napakaraming Piliino na hirap na hirap bunuin ang konting kinikita, isa lang ang tawag dito: holDAP.

••••••••••••••••••••••••••••••••

Sa gitna ng kaguluhang nangyayari, maraming nagtataka sa ilang bagay.

Una, bakit BS na naman si Pangulong Benigno Aquino… BS – Balik Sisi na naman sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo? Sa nanggigigil na pananalita niya’y parang si GMA ang nag-imbento ng pork barrel.

blame4.001

Pangalawa, bakit hindi na lang magpatawag ng press conference si Budget Secretary Butch Abad at ipaliwanag ang lahat – punto por punto?

Pangatlo, nagtataka ang lahat na – sa dami ng perang lumulutang – inanunsyo ng DOTC na kulang ang pondo ng Budget Department para sa paggawa ng bagong license plates at pinayuhan ang mga motorista na pansamanatang gumawa ng kaniya-kaniyang plaka (gamit ang pentel pen at cartolina).

carplates

••••••••••••••••••••••••••••••••

Hula who. Ang mataas na opisyal ng isa sa pinakamahirap na lalawigan sa bansa ang may kakaibang lihim.

Tuwing Sabado o Linggo, pumapasyal si kagalang-galang sa inaarkila niyang bahay kung saan ang tanging nakatira ay dalawang magarang kotse: isang Ferrari at isang Porshe.  Ang mga ito’y kaniyang pinapainit at inaarangkada ng ilang oras.

Pagkatapos, balik ang mga kotse sa pinanggalingan at balik ang mama sa napakahirap niyang lalawigan.

Ferrari Logo 3

porsche_logo_2645

••••••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit.

ANGEL:        Miss, isa ngang siopao… yung babae.

WAITRESS:  Babaeng siopao?

ANGEL:        Oo, yung may papel na sapin. Kumbaga napkin.

WAITRESS:  Ah, ganun po ba? Lalaki lang ang nandito.

ANGEL:        Lalaki?

WAITRESS:  May itlog po sa loob.

Advertisements

1 thought on “Dis is a holDAP!”

  1. I appreciate it much that you end with a joke otherwise my head would explode from all these Bull Shit from this administration & all these shameless, conscience-less, ultra-greedy trapos!!! No amount of bribery will clean-off their sins when they face their Maker!

    TGiF!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s