Pasabog – sinlakas ng kwitis!

Siguro, hindi dapat tinodo promote ang pangakong pasabog ni Sen. Jinggoy Estrada.

Hindi dapat trinato ang publicity na parang opening day ng isang box office hit.

Tumaas nang lampas-langit tuloy ang expectations ng taong bayan na pikon na pikon na sa walang tigil na pagbubunyag ng nakawan sa gobyerno.

Problema, hindi sumabog parang lolo thunder ang privilege speech ni Jinggoy… imbes ang narinig ay utot ng kwitis.

Medyo sabog kasi ang speech ng senador.

5words.003

Una’y pinalabas niya ang video ng whistleblowers na paulit-ulit na binabanggit ang pangalan niya at dalawa pang dinadawit sa pork barrel scam.

Sorry. Pinaalala lang niya sa mga nakalimot na. Pinabatid lang niya sa mga huli sa balita.

Tapos, pinagtititira ang ilang mga personalidad. Ang COA chairman – na isang babae.

Tapos, isang congressman na malakas kay GMA… at  ngayon kay Pnoy. At ang ilang kapwa senador.

Sinama na rin ang media.

wow.003

Ang hindi ginawa ay ang ipagtanggol ang sarili sa mga bintang sa kaniya.

Kutob ng marami, mas nakasama… mabuti pa raw kung tumahimik na lang si Jinggoy.

Kailangan ng senador ng mas matinding mga strategist. At mas mahusay na writers – ang ginamit ata niya para sa kaniyang privilege speech ay isang writer… ng menu sa panciteria.

menu

•••••••••••••••••••••••••••••••

Hula who. Dalawang nasa showbiz/politika na nasa front page halos araw-araw. Palakihan ng bahay na tinatayo. Ang isa sa Alabang… bespren naman niya – sa Wack Wack.

Isa pang hula who… Malapit na nating matuklasan ang isang kabaro ni Napoles. Kahawig ang gimik ni Napoles pero baka mas mayaman pa. Initials niya ay GR (at hindi siya si Girlie Rodis, ang sikat na talent manager).

•••••••••••••••••••••••••••••••

Ai-Ai bad yan. Talamak ang krimen ngayon… ang patayan… ang rape… ang kidnapping.

Ang pulis?

Ang ilan… busy na naglilingkod na security kay Ai-Ai.

Giniit ni Ai-Ai na ang mga nagbabantay sa kaniya ay hindi taga-PSG ngunit mga taga PNP.

At wala raw masama roon pagka’t siya ang nagpapasahod.

Walang masama?

opinyon.003

•••••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit.

ERNIE:     Last month pinakilala ko ang seksing syota ko sa lolo kong milyonaryo

ANGEL:   Anong nangyari? Boto ba ang lolo mo?

ERNIE:    Oo, LOLA ko na siya ngayon!

•••••••••••••••••••••••••••••••

Samahan nyo po ako sa isang kakaibang event: PERS LAB ATBP. Isang art exhibit kung saan isasalin ng ilang pintor sa canvas ang mga kantang nilikha ko (tulad ng Manila, Pers Lab, Annie Batungbakal, Bongga Ka Day, at marami pa). Sa Art Galeleia (The Fort) mula Oct. 4 – 14.

PDI ad

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s