Ipinakikilala… ang dedmatologists!

Kilala nating lahat sila.

Mga opisyales natin sa pamahalaan na laging dedma – manhid sa puna, kapit tuko sa puwesto nila.

dedma

Andyan yung ininsulto at nilait na ng kaniyang boss – kulang nalang na siya’y duraan – pero walang planong magbitiw sa puwesto. Laging sinasabi sa sarili’y “iba ang tinutukoy ni boss”. Dedma lang.

Andyan ang mga kinasusuklaman ng marami dahil sa milyun-milyong ninakaw sa kaban ng bayan, pero asta’y parang ‘wala lang’. Dedma lang.

Andyan yung huling-huling gumagawa nang hindi dapat (tulad ng magbabad sa casino) pero pakiramda’y wala siyang sala. Dedma lang.

Andyan yung tagapag-salita na pormang magiting pero laging nagsisinungaling. Dedma lang.

Magtataka kayo kung saan humuhugot ng kapal ng mukha ang mga ito.

Para sa kanila, may nilikha akong kataga na bagay na bagay – mga DEDMATOLOGIST.

•••••••••••••••••••••••••••••••••

Libre naman ang mangarap.  Ano bang droga ang tinira ng mga taga-DOTC?

Ang bagong press release nila: grandiosong planong simulan ang malawak na subway network sa Metro Manila. Tulad nang nasa New York, Hong Kong at marami pang lugar, ito’y mga tren na magbiyabiyahe sa ilalim ng ating mga kalsada – libre sa nakakabuwisit na trapik.

sa karanasan sa pagpapatakbo ng subway network, wala na sigurong tatalo sa napakaraming dekadang karanasan ng new york at london
sa karanasan sa pagpapatakbo ng subway network, wala na sigurong tatalo sa napakaraming dekadang karanasan ng new york at london

Hello! Unahin kaya muna ang mga nakatenggang sabit nyo tulad ng NAIA 1 & 3, ang siksikan sa MRT, ang mga license plates at stickers na sa Mars pa ata ginagawa, at ang mga colorum buses na halatang walang takot sa awtoridad nyo.

siksikan na, lagi pang nasisira
siksikan na, lagi pang nasisira

Saka na ang mga press release para pabanguhin ang imahe.

Pakita muna ng gilas at… resulta.

•••••••••••••••••••••••••••••••••

Super milyonaryang Pinay – legal ang kayamanan, hindi katas ng pork barrel.

Isang Fil-Am nurse ang nakatanggap ng mga bahay at magagarang sasakyan na nagkakahalagang $30 million mula sa inalagaan niya. Higit dito, nakatakdang tumanggap pa siya ng pamanang cash na $30 million.

Siya’y si Gilera Oloroso, 58-anyos… dating taga Capiz, at ang nurse ng bilyonaryang si  Huguette Clark na pinagsilbihan niya sa loob ng dalawampung taon.

totoo palang may "good karma"
totoo palang may “good karma”

Si Oloroso ay naging pinagkakatiwalaang kaibigan ni Mrs. Clark hanggang siya’y namatay ng old age noong 2011 sa edad na 104 anyos.

•••••••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit.

ANGEL: Lolo, hanga talaga ako sa iyo… hanggang ngayo’y “honey” pa rin ang tawag mo kay lola. Sobrang sweet… pag tanda ko, gagayahin kita.

LOLO:  Bobo ka talaga… kung maaalala ko lang ang ngalan nya… di ko nang tatawagin ng “honey” ang matandang yan.

SAMANTALA, sa kapitbahay…

ERNIE: Honey, bakit MALI ang pinaglalagyan mong DALIRI ng WEDDING RING natin?

MISIS: Siyempre para TERNO! Mali din naman ang NAPANGASAWA ko eh!

 

PDI ad

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s