Advertisements

Mga Mambabatas – May Amnesia?

Pambihira ang mga opsiyales natin. Kahit marami’y nabiyayaan kay Janet Nepales, ni isa ay hindi raw kakilala si M’am.

Deny nang deny, nabubuking naman ang marami ngayon dahil sa naglalabasan na mga litrato.

Isa sa mga nauna ay isang “picture-picture” na kasama ni M’am sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla.  Paliwanag ng dalawa na “artista kasi sila” kaya maraming gustong magpa-picture. Kabilang na si M’am Janet.

Sumunod ay ang larawan ni Sen. President Frank Drilon at ang kaniyang misis kasama ang mag-asawang Napoles.

pnoynoy.002

Lihis ito sa unang pahayag ni Drilon na hindi niya kakilala ang mga Napoles. Biglang binago ang kuwento – hindi raw lalampas sa sampung beses lamang na nagkataong nasa parehong party si Drilon at ang mga Napoles.

Kahit si Pangulong Benigno Aquino ay kabilang din sa mga na-kodakan. Nahukay ang isang larawan niya na kasama si Jeane Napoles, bunsong anak ng mga Napoles.

jeane

May ilan pang larawan na kasama ni PNoy ang mag-asawang Napoles pero nagpasya ang may-ari na hindi ito ipakita. Ang Malacanang ang may ari ng mga larawan.

•••••••••••••••••••••

May lumabas na bagong celebrity sex video na naman. Pero imbes na ma-enganyo, marami’y nasuka.

Hatol ng maraming nakanood: kung magse-sex video ka na rin naman, papayat ka muna para di umaalog ang bilbil mo. At pinturahan ang mga maiitim na singit.

imbes na sex trip ang viewer... suka trip

imbes na sex trip ang viewer… suka trip

•••••••••••••••••••••

Hula Who. Ang sikat na mambabatas na ito ay may dalawang bahay sa Beverly Hills sa California na regalo ng ka-sosyo niya sa pork barrel deals. Isa, dalawa – isa para kay misis, isa para sa kulasisi.

•••••••••••••••••••••

Ang gobyerno natin ay kinakaya-kaya pagka’t ito’y nagpapakita ng kakulangan sa tapang.

bully

Kinakaya-kaya ng mga goons (na nagpapanggap na rebelde) na tila ba’y nag-eenjoy na gawing hostage ang mga kababayan natin sa Mindanao.

Kinakaya-kaya ng mga kriminal na walang konsensyang pumapatay ng mga inosenteng dalaga.

Kinakaya-kaya ng mga kurap na opisyales na walang takot – kahit pa ang presidente na ang nagbabanta na may araw din sila.

Kinakaya-kaya ng mga tsekwa (tulad ng China at Taiwan) dahil alam nilang nangangatog ang ating Defense chief mabanggit lang ang ngalan nila.

Kinakaya-kaya, binabatok-batukan… hanggang kailan?

•••••••••••••••••••••

Ice-Cream-.18

Hulang hirit.

ANGEL:     Kung magaling kang dumiskarte sa mga chicks, sagutin mo nga ito.

ERNIE:     SIge, fire away.

ANGEL:   May tatlong babaeng may ice cream. Ang isa, dinidilaan ang ice cream niya. Ang pangalawa, kinakagat naman. Ang pangatlo, sinisipsip ang ice cream niya. SIno sa kanila ang may asawa na?

ERNIE:   Syempre, yung sumisipsip.

ANGEL:    Bastos ka talaga. Ang may asawa na… yung may wedding ring.

pagecover

Advertisements

One Response to “Mga Mambabatas – May Amnesia?”

  1. SerafinTubles Says:

    Picture2 pag may time , di daw close, napala ninyo, sige, spin a win

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: