Tumigil ka nga, Lacierda Pinocchio

 

Dating heneral ng black & white movement, ngayon ay pinnocchio ng yellow army

Dating heneral ng black & white movement, ngayon ay pinocchio ng yellow army

Walang oras ang presidente para sa mga pork barrel whistleblowers.

Walang panahong makiramay sa mga pamilya ng mga nasawi sa sakuna ng barkong M/V St. Thomas Aquinas.

Walang kiber sa nabuking na nagca-casino na hepe ng LTO.

Pero buhos ang oras… para tanggapin si M’am Jenny Napoles sa Malacanang… para mauna sa convoy na nagdala kay M’am sa Crame… para mismong mag-asikaso ng tutuluyan ni M’am.

M'am Jenny - mother of perpetual help ng marami!
M’am Jenny – mother of perpetual help ng marami!

At napipikon si Lacierda pagka’t “special treatment” ang tawag ng taong bayan dito?

 •••••••••••••••••••••••••••

Hula who.  Mala-gangster ang bigating mambabatas na ito.

dambuhalang mantika
dambuhalang mantika

Noong nakaraang eleksyon ay brinaso niya ang mga istasyon ng TV at radyo na magbigay ng libreng airtime para sa mga kandidato ng isang partido.

May dagdag banta pa: kung hindi pagbibigyan daw ay kakalampagin at uungkatin ang prankisa ng mga istasyon.

Bigating pangit, malagkit  at ubod ng yabang ang damuhong ito.

 •••••••••••••••••••••••••••

Mainam ang balita na may bagong nililigawan si PNoy: matalino, 29 years old, bagong abogado – si Mariness “Kim” Ledesma.

Mas madaming oras na kapiling ni PNoy si “Kim”, mas konting oras na ma-dedemonyo si PNoy ng mga BI (Bad Influence at Blind Item) na maaaring pumapaligid sa kaniya.

"mama ka na noong hindi pa ako tao..."
“mama ka na noong hindi pa ako tao…”

Bigla ko tuloy naalala ang isang awit na nilikha ko noong 2006. May bahaging kinakanta ng female singer ang titik na… “mama ka na noong hindi pa ako tao… (pero) I love you po…”.

 ••••••••••••••••••••••••••

Hula who pa nga.  Isa sa mga mambabatas na diumano’y kasangkot sa pork barrel scam ay nagpapatayo ng P350-M mansyon; ang isa naman ay may bagong jet.

mamatay kayo sa inggit, mga teh!
mamatay kayo sa inggit, mga teh!

Buhay milyonaryo’t artista ang mga lintek at… sagot natin.

 ••••••••••••••••••••••••••

Showbiz tsismis lang kaya?  Ibinulgar ng showbiz reporter na si Lolit Solis na noong ­Disyembre 2009 ay personal na tumawag si Executive Secretary Ochoa kay M’am Janet Napoles para humingi ng pera sa kampanya ng pangulo na kandidato noon ng Liberal Party.

KKK Ochoa
KKK Ochoa

Marami nang pumuna pero nananatiling tameme si Ochoa sa isyung ito.

 ••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit.

PARI:  Bakit ayaw mong pumasok rito sa simbahan iho?
ERNIE BOY: Mawawala po kasi bike ko.
PARI: Wag ka magalala babantayan yan ng espiritu santo.
ERNIE BOY:  O, sige po.
( pumasok )
PARI:  Marunong ka ba magdasal iho?
ERNIE BOY:  Opo! Sa ngalan ng ama, ng anak, amen.
PARI:  Kulang ah? Asan ang espiritu santo?
ERNIE BOY: Eh sino na po magbabantay sa bike ko kapag tinawag ko?

pagecover

Advertisements

2 thoughts on “Tumigil ka nga, Lacierda Pinocchio”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s