Sumuko si Napoles – maraming di na nakakatulog

"mahaba-haba po ang dedication ko..."
“mahaba-haba po ang dedication ko…”

Itong nakaraang Miyerkoles, 9:37 ng gabi’y sumuko na si Janet Napoles kay PNoy.

Ikinatuwa ito ng maraming Pilipino. Pakiwari nila’y malalantad na ang katotohanan at makakamtan ng taong bayan ang hustisya.

Ang ilan naman ay biglang naging matamlay – tila natuyuan ng dugo – at hindi makatulog dahil sa kaba na pangalan nila’y madadawit sa pork barrel scam oras na kumanta si Napoles.

tigok.004

Sensya na sa lahat ng mga nakisawsaw sa pork barrel scam. Tapos na ang masasayang araw.

Oras nyo na. Karma ay narito na.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Nag-solo rally si Ping noong 2003. Ang march ni Ping Lacson laban sa pork barrel – napaaga nang 10 taon.

dinedma noong 2003
dinedma noong 2003

Ginunita ng dating senador ang privilege speech niya noong 2003 sa Senado kung saang inilarawan niya ang lahat ng kasamaang dulot ng pork barrel at dinitalye ang laki ng perang nananakaw at papaano pinaghahatian ito ng mga oportunista at kurap. At madiin niyang pinakausapan ang mga kasamahan sa Senado na buwagin na ang hindi magandang kalakarang ito.

Anyare? Dedma lang ang mga senador. Parang walang narinig.

Ngayon, hindi na nagso-solo si Ping sa pagkulit na buwagin ang pork barrel. Ang mga nag-martsa noong Lunes sa Luneta at sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay pareho na rin ang isinisigaw.

Pero dagdag ng dating senador, husto lang matitigil ang pagnanakaw kung may mga mambabatas na masasampahan ng arrest warrant at naka-posas na dadalhin sa bilanggo.

Kailangang may ma-sampulan. Now na!

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Bawiin ang lisensya! Bawal na bawal pero malayang nakakaikot at nakakapasyal ang mga menor de edad (20 anyos at pababa) sa gaming area ng Solaire Casino. Matagal nang pinagsabihan ang mga may-ari ng casino tungkol dito pero wala silang ginawa.

iba't iban ang tanawin sa loob ng casino - marami rito, hindi angkop para sa mga menor de edad
iba’t iba ang tanawin sa loob ng casino – marami rito, hindi angkop para sa mga menor de edad

Baka malakas? Uso pa ba yan sa daang matuwid?

LTO Chief Torres, baka may maitutulong ka… baka may mga payo at suggestion… diumano’y alam mo naman ang pasikot-sikot dito?

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Planong itayong flagpole sa Luneta… gawa sa ginto? Nagulat ang marami ng mabasa sa isang billboard na aabot ng P7.8 Million ang gastos para itayo ang isang 150-ft flagpole sa Luneta. Ikinumpara ng ilang netizens ang presyong ito sa halaga ng flagpole na may kaparehong specifications na binebenta ng American Flag Superstore sa US. Ang halaga: P980,000.

yari sa ginto?
yari sa ginto?

Nakupo… grabe ang tong-pats.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

ANGEL:  Pre, mukhang gulung-gulo ka.  Anong problema?

ERNIE:  Matagal ko nang hinahanapan ng sagot ang tanong na ito: ang lason ba, kapag nag-expire, nakakalason pa rin?

ANGEL: Loko ka talaga! Syanga pala, anong pulutan ninyo kahapon sa birthday mo?

ERNIE: Pata, pare! Pata… galan ng kwento.

Advertisements

2 thoughts on “Sumuko si Napoles – maraming di na nakakatulog”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s