May bilyones pero utak bangkarote!

Inamin ng isang inaakusahang pork barrel scammer na galing sa negosyo sa Indonesia ang malaking kayamanan niya. Pero nang tanungin ang pangalan ng kumpanya niya doon, hindi maalala ng pobre.

Ilang beses nang nagbago ang kuwento niya hinggil sa pinanggalingan ng kaniyang bilyones.

ano ba talaga, teh?
ano ba talaga, teh?

Tanong tuloy ng marami: Minana? Minina? Minadyik?

Hirit naman ng direktor na si Bernardo Bernardo: “minating” – salitang becky na nangangahulugang ‘dinekwat’.

••••••••••••••••••••••••

Sa pork barrel scam pa rin: maraming mga mambabatas ang kinakabahan dahil may isang red notebook daw na naglalaman ng mga nakatanggap (pati halaga) ng kickback sa nakakasuklam na P10-billion pork barrel scam.
leni
Habang sila’y nasa kama at pinipilit ang mga sarili na makatulog, malamang may lumang awiting pumapasok sa kanilang kaisipan… “di na makatulog, di pa makakain”.
Saliwa naman ito sa awiting nasa isip na taong bayan… “behhh, buti nga”.
••••••••••••••••••••••••
Hula who.
1. Dating bayani, rapist na? Ang gumanap na bayani sa isang pelikula ay kinasuhan ng ‘rape’ ng kaniyang may-bahay.
2. Kinasuhan ng isang dating beauty queen ang asawa niya na mambabatas dahil sa grave verbal abuse.
3. Ang isa sa mga dapat mamuno sa pag iimbestiga sa pork barrel scam ay nasa video na kinunan sa office blessing ng iimbestigahan.
••••••••••••••••••••••••
Mukhang todo busy at kumakapal ang bulsa ng mga espesyalista sa public relations at crisis management dahil sa sabay-sabay na nagputukang mga krisis. Trabaho nila ang pabanguhin ang imahe ng mga kliyente nilang maaaring nasangkot sa iskandalo.
(Sa marami sa kanila, anumang paraan ay katanggap-tanggap.)
Andyan ang pork barrel scandal.
fearless.001
Andyan din ang nahuling nagca-casinong hepe ng LTO (kahit makita lang sa loob ng casino ay pinagbabawal kung ikaw ay hepe o empleyado ng gobyerno).
Na-enganyo lang daw sa mga ilaw
Na-enganyo lang daw sa mga ilaw
At andyan din ang napakabagal na balasahan at pataasan ng ihi sa Customs.
Maraming bagong milyonaryo sa taong ito.
••••••••••••••••••••••••
Huling hirit.

Ernie: Oys, ano yan? Pinya? Pahingi naman dyan.

Angel: Pahingi? Nasaan ka noong nagbubungkal ako ng lupa sa ilalim ng init ng araw? Nasaan ka noong nagtatanim ako habang kumukulog, kumikidlat at bumubuhos ang malakas na ulan? Nasaan ka noong oras na nag-aani ako na nagkalat ang maraming ahas sa dadaanan ko, noong naghihirap ako sa pagpasan ng pinya? Nasaan ka?

Ernie: Nakakulong kasi ako noon! Nakapatay ako ng madamot!

Angel: Ganun ba?

Kuha ka na, kahit ilan!

May langka pa doon!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s