Kapal ng mukha tuluy-tuloy lang?

Ang bagal ng reporma sa Bureau of Customs kahit pa sinabon at piniga na nang husto ng Pangulo ang ahensya noong nakaraang SONA.

Maraming nagmamatigas.

Maraming ayaw magbitiw sa puwesto o mapasama sa balasahan at ang dahilan ay hindi naman ganoon kahirap isipin.

(Sino ba itong taga-Customs na may mansyon sa The Fort na nagkakahalagang P300-million na garahe rin ng magagarang mga kotse? SInu-sino ba ang mga opisyales ng Customs na ni-regaluhan ng isang pork barrel scammer noong Pasko ng isang container ng stateside na appliances at kakanin?)

Kunin na sana kayo ni Lord!
Kunin na sana kayo ni Lord!

Isang panukala ay ang paglipat ng ilang tungkulin ng Customs sa Bureau of Internal Revenue.

Baka naman, mas mabuting ilipat nalang si BIR Commissioner Kim Henares sa Customs?

Siya’y babaeng may tapang na di kayang pantayan ng mga namumuno sa Customs.

 ••••••••••••••••••

Noong araw, basta may kontrobersya – imbestiga agad ang Senado. Kahit hindi nito papel ang inaatupag, tira lang.

Noong walang kuwentang hearing ng Hayden Kho video scandal, nagkakandarapa ang mga kagalang-galang na mambabatas na mahablot ang mikropono.

Ba't kaya dedma ang mga mambabatas?
Ba’t kaya dedma ang mga mambabatas?

Sayang kasi ang opportunidad na magpa-epal sa dose-dosenang nakatutok na TV cameras.

Pero ano ito? Ayaw raw pangunahan ng Senado ang mga ahensyang nag-iimbestiga sa pork barrel scam.

Biglang naging disente at tapat sa tamang proseso?

Lokohin nyo ang lelang nyo.

(Ika nga ng isang TV commercial para sa gamot sa diarrhea… “baka – guilty?”)

 ••••••••••••••••••

Pinanigan ng Court of Appeals ang Makati sa kaso kung saang iginigiit ng lungsod na ang  halos buong kinatatayuan ng Fort Bonifacio ay bahagi ng Makati at hindi ng Taguig.

ung high street... anyari?
ung high street… anyari?

Naku, imbes na makilala bilang pinaka-modernong lungsod sa bansa… balik ba ang Taguig sa pagiging “Tahanan ng Tipas Hopia”?

 ••••••••••••••••••

Hula who. Sino itong musikero na may sex video na kumakalat sa internet? Ka-partner niya rito ang dating syota ng isang bigatin at ma-datung na tao. Inulan ng pintas ang hindi gaanong ‘hunk’ na musikero. Inggit lang kayo. Suwabe, pare?

miranda

 ••••••••••••••••••

Huling hirit.

ERNIE: Saan ginagawa ang uling?
ANGEL: Sa coal center!

ANGEL: Anong tawag sa yaya ni Nora?
ERNIE: Maid of Aunor!

ERNIE: Anong hayop ang walang gilagid?

ANGEL: Hmmmmmm Lang gum?

ANGEL:  O, last na last na.  Magbigay ka ng kulay na nagsisimula sa letter M, maliban sa maroon.                                                             ERNIE:  Sisiw, pre!  Maitim, maputi, maputla, madilaw, mejo asul…

 ••••••••••••••••••

Kalimutan muna ang basura’t nakakalungkot na balita tulad ng pork barrel scam at magpasarap pansamantala sa pamamagitan ng bagong awit na ito, alay ng inyong lingkod:

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s