Advertisements

Iimbestigahan? Sa’n ebidensya n’yo?

gulpe

Nakapagtataka tayong mga Pilipino. Pag nakahuli tayo ng snatcher na nagnakaw ng cellphone na nagkakahalagang P3,000, bugbog sarado bago pa makarating sa presinto ang pobre.

Pero pag bilyun-bilyon ang ninakaw, marami sa atin – dedma lang.

••••••••••••••••••••••••••••

“Walang ebidensya, walang imbestigasyon.” Ganyan ang dating ni Edwin Lacierda, tagapagsalita ng Malacanang, nang inihayag niya na obligasyon ni Czech Ambassador Josef Rychtar na patunayan ang paratang nitong may suholan sa isang proyekto ng MRT.

(Tamang tono ba ito kung ang itinutukoy ay isang ambassador?)

Hindi na rin ito naiiba sa sinabi ni Senate President Franklin Drilon na hindi iimbestigahan ng Senado ang pinag-uusapang P10-B pork barrel scam.

sori

Ba’t ang labnaw ng reaksyon? Mayroon bang malapit sa kanila na masasaktan?

Ba’t sa kasong CJ Corona, kahit kadalasang ampaw ang ebidensiya… puspusan pa rin ang sipag ng pamahalaan?

Kung mga imbestigador ang kailangan, para que pa ang milyun-milyong intelligence funds na hinuhuthot sa ating mga taxpayer ng bawat sangay ng gobyerno?

••••••••••••••••••••••••••••

“Three Kings” sa Customs. Ganyan binansagan ang tatlong opisyales na may mataas at sensitibong puwesto sa Bureau of Customs na malalakas ang mga padrino. Kaya pala hindi matsugi-tsugi at walang takot kahit sa mga bossing nila.

Binalita ng Inquirer na inamin ni Sen. Juan Ponce Enrile na ini-rekomenda niya ang isa rito pero hindi niya masyadong kilala ang opisyales.

••••••••••••••••••••••••••••

Amnesia? May sintomas ata si Sen. Lito Lapid na giniit na hindi raw niya kilala si Marivic Tolentino na may-ari ng Innsbruck – ang supplier ng garbage deodorizer at mosquito innoculant na pinaglaanan ng pondo ng senador mula sa kaniyang pork barrel. Hindi kakilala pero nakipag-pose lang sa harap ng magarang mansyon.

Lito-Lapid

••••••••••••••••••••••••••••

Hula Who. Magastos talaga ang mahangin. Mukhang ito ang natututunan ng isang misis na nasasangkot sa isang iskandalong may kinalaman sa kaban ng bayan at ang ilang mga mambabatas. Papaano naman, ipinaskel sa internet ni misis ang video party ng kaniyang dalaga at dito’y puna ng marami na sa laki nang ginastos, magmu-mukhang yagit ang Sultan ng Brunei .

••••••••••••••••••••••••••••

Oh, no! God’s will daw kung maging presidente si Pacman.

President_Pacman_by_chubibo

••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit.

ERNIE: Alam mo, yung pusa namin, kahit naka-istambay sa la mesa at walang takip ang ulam namin, hindi kinakain!

ANGEL: Maniwala ako?!

ERNIE: Totoo!

ANGEL: Ano ba ang ulam nyo?

ERNIE: Asin!

••••••••••••••••••••••••••••

Tara… join na sa kakaibang art exhibit na magaganap mula Oktubre 4 – 14. Ito ang “PERS LAB ATBP”… tinatampok ang mga titik ng manunulat na ito para sa Hotdog band na sinalin sa canvas at pintura ng anim na matitinding artists.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: