Advertisements

Kung walang sabon, walang aksyon

Walang kaamor-amor sa atin ang maraming naglilingkod sa gobyerno.

Kasi naman: kung hindi pa sila sasabunin, hindi pa maglilingkod nang tapat at alang-alang sa kapakanan ng nakararami.

sabon

Tulad ng isang ahensya na sinabon at ipinahiya ng Pangulo kamakailan dahil puro pang-iisa at pandaraya ang inaatupag ng mga taga-loob.

Ang katakataka – kung kailan pa nagkasabunan, saka lang naisip ng namumuno ng ahensya na umaksyon. Agad ibinalita sa media ang pagbabalasa sa hanay at ang pagbabawal ng palakasan at ng mga padrino.

Bakit ngayon lang, serr? Maraming taon ka na dyan sa puwesto mo? Takot ma-tsugi na ikawawala ng  kalakal?

 ••••••••••••••••••••••

Hula Who?  Maraming lumalabas na nakakagulat – at nakakapikon – sa kasalukuyang iskandalo ng bayan.

Ang taong kumikita nang limpak-limpak na pera (na ating pinaghirapan) ay nagpapasarap talaga.

fat-lady-silhouette6

Ilang example.

Mayroon siyang cellphone na nagkakahalagang higit sa $15,000.

Hindi isa lang, pero tatlo.

Presyo ng 15 Macbook laptops kada isa

Presyo ng 15 Macbook laptops kada isa

Yari sa black ceramised aluminum at nilapatan ng 18-carat na red gold – may bigat na 16 grams ang kabuuan ng ginto. At ang display sa harap, buhay na buhay – 16 million colors ang taglay nito.

Mayroon siyang hotel na malapit sa teritoryo ni Mickey Mouse na binili niya nang – CASH.

Mga kapitbahay ng hotel ni Misis

Mga kapitbahay ng hotel ni Misis

Mayroon din siyang biniling paaralan sa Amerika na nagkakahalagang $7 million na binayaran niya nang… CASH.

Magagara ang mga tinitirhan at sasakyan ng mga anak na lubos na kinaiinggitan ng mga kapitbahay na puti.

At dahil nasa balita siya ngayon, nagpakawala ng milyones para siya’y ipagtanggol at ipagtakpan ng ilang bigating media personalities at kumpanya.

Kaya, isang araw, lahat ng HULA WHO na ito ay mawawala… parang bula.

Pero, hinding-hindi ang kayamanan niya.

 ••••••••••••••••••••••

Usap-usapan ang “crying cop” na si Joselito Sevilla, bahagi ng kapulisan na nagbantay sa Batasan noong SONA ni Pangulo Benigno S. Aquino.

Daan-daan ang mga rallyistang dumating. Sa init ng sigawan at pananakit, napaiyak ang pulis dala na rin ng gutom, pagod at walang tigil na pagmumura ng mga tao kabilang na si Thomas van Beersum, isang taga Netherlands, na diumano’y delegado ng International Conference on Human Rights and Peace in the Philippines.

kwago.001

Sa Facebook account ni Van Beersum ay natuklasan ang isang larawan ng Dutch boy na kasama si Jose Mari Sison – lider ng mga kaliwa sa bansa.

Pula naman pala ang peyborit color ng anak ng kwago

Pula naman pala ang peyborit color ng anak ng kwago

 ••••••••••••••••••••••

Huling hirit.

Pulis:  Eto bayad ko sa kape
Chinese:  Aba,bakit ka bayad?
Pulis:  Utos ni chief, wala nang kotong
Chinese:  Aba sige, simula ngayon hindi na ako dura sa kape mo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: