Edad – di na hadlang sa jobseeker?

Bagong bayani ng mga Pinoy na edad 40 at pataas si Sen. Pia Cayetano.

"Hindi dapat isyu ang edad..."
“Hindi dapat isyu ang edad…”

Itinutulak ng senadora ang panukalang magbabawal sa pagli-limata ng edad ng manunungkulan sa isang kumpanya. Ito ang ‘Anti-Age Discrimination in Employment Act of 2013’.

Pag may bakanteng trabaho, dapat ito ipagkaloob batay sa kaalaman, talento at qualifications na kailangan ng posisyon.

“Hindi dapat isyu ang edad,” dagdag ni Sen. Pia.

Sa America at sa maraming bahagi ng Europa at Asya, makakakita kayo ng mga lolo at lola na abalang-abala sa kanilang trabaho.

Sa America, bawal usisain ang edad ng isang nag  a-apply sa trabaho
Sa America, bawal usisain ang edad ng isang nag a-apply sa trabaho

Masigla’t hindi lulugo-lugo. Hindi nakapirme sa bahay… at hinihintay na lang na kunin na sila ni Lord.

•••••••••••••••••••••••••••

Ayon kay dating senador Ping Lacson, dalawang klaseng tao lang ang maghihinanakit kung matuloy ang pagbubuo ng isang puwersa na bubuwag sa corruption: ang mga corrupt at ang mga kay daling gawing corrupt.

ping

Onga naman. Kaya… hindi pa nabubuo… nag-iingay na ang mga pwedeng maputukan?

•••••••••••••••••••••••••••

Idiniklara ng Supreme Court na walang bisa ang presidential order na nagbigay ng parangal bilang National Artist kay Cecile Guidote-Alvarez, Carlo J. Caparas, Francisco Mañosa at Jose “Pitoy” Moreno.

Binawi ng korte noong Martes ang parangal na pinagkaloob ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2009.

May anomalya diumano sa pagpili ng apat kaya nagkabawian.

Kaya naman, balik tayo sa dating paraan ng pagpili ng National Artist – sa pamamagitan ng pagpapamalas ng magandang kontribusyon sa sining ng isang talentadong Pilipino. At walang halong… palakasan.

Sa pagpili ng National Artist, balik sa dating pamantayan - galing at... walang palakasan
Sa pagpili ng National Artist, balik sa dating pamantayan – galing at… walang palakasan

•••••••••••••••••••••••••••

May walang magawa tapos ng malagim na crash ng Asiana Flight 214 sa San Francisco International Airport.

asiana

Ang taong iyon – isang ‘trainee’ sa National Traffic Safety Board (NTSB)  – ay humarap sa reporter ng TV station na KTVU at inisa-isa ang mga panglan ng piloto ng eroplano: “Sum Ting Wong,” “Ho Lee Fuk”, “Wi Tu Lo” at “Bang Ding Ow.”

Ito ay mga pangalang gawa-gawa lang… at maraming Koreano at Asyano ang hindi natuwa.

Tsugi na sa trabaho ang nagpipipilit na “komedyante”.

•••••••••••••••••••••••••••

Kung mapatulog o mapabagsak siya ni Brandon Rios (ang boksingering makakalaban niya sa Macau), sabi ni Manny Pacquiao na magpapaalam na siya sa mundo ng boksing.

Babay na rin sa milyun-milyong dolyares? Medyo mahirap yon, ‘bay.

rios

•••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit.

kulasisi

MISIS:  Walanghiya ka! Nabalitaan ko na meron ka raw kulasisi na 17- anyos!

ERNIE:  Ah, ‘yun ba? Sobrang luma na ang balita mo.

MISIS:  Bakit luma?

ERNIE:  Kasi, 27 na siya ngayon!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s