Advertisements

Sana OPM itulak todo, PLDT!

Pinasok na ng PLDT ang pagbebenta ng musika.

Tubong lugaw?

Tubong lugaw?

Sa itinatatag nitong Smart Music, maglalako ng kanta ang kumpanya sa mahigit na 70 milyung subscribers ng Smart, Talk  ’N Text at Sun Cellular – lahat nasa poder ng higanteng telephone company.

Nakuha ng PLDT ang pahintulot mula sa Universal Music, ang pinakamalaking music group sa mundo na siyang may kontrol sa tatlong milyung kanta, kabilang na ang mga awitin ng Beatles.

Balak presyuhan ang bawat downloaded na kanta mula P15 hanggang P25 na higit na mababa sa P40 na ngayong sinisingil ng Apple sa iTunes nito.

Mukhang mas papatok ito kaysa sa matamlay na excursion ng PLDT sa telebisyon. Pagkakataon pang palakasin ang Original Pilipino Music (OPM) na nangangailangan ng tulak.

••••••••••••••••••••••••••••

Sa loob ng limang taon, matatapatan na raw ng Pilipinas ang kinikita ng mga casino sa Las Vegas. Ito ay ayon sa isang pag-aaral ng CBRE Philippines.

Kaya ba tahimik ang simbahan tungkol sa paglaganap ng mga casino? Bumakas ba sila? O maliit na bagay ba ito kung ikukumpara sa laban sa RH bill at diborsyo?

Kaya ba buhos ang investment ng GSIS sa negosyong casino? Nagpasok ng pinaghirapang pera ng mga miyembro na umabot ng P800 Milyon sa Leisure & Resort World Corp (LRWC).

Mas mahalaga ba ang kikitahin kaysa sa kapahamakang dulot ng pagsusugal?

Mas mahalaga ba ang kikitahin kaysa sa kapahamakang dulot ng pagsusugal?

Mas mahalaga ba ang kikitahin kaysa sa kapahamakang dulot ng pagsusugal? Tulad ng pagkabaon sa utang, pagwawatak ng pamilya at bisyong agad na lumilikha ng mga adik sa sugal.

••••••••••••••••••••••••••••

Maliban sa Vatican na parang isang maliit na baryo lang ang bilang ng mga residente, ang Pilipinas ang natitirang bansa sa mundo na pinagbabawal ang diborsyo.

Napakalupit…  kasi kung mayaman ka,  okay lang sa simbahan na tumiwalag sa pinakasalan mo sa prosesong tawag ay annulment.

Ang milyung-milyong mahirap – walang magagawa kundi, 1) magtiyaga nalang (kung pag-aasawa ay palpak o hindi matagumpay) o, 2) maghanap ng kabit – para makalimot.

Kung mahirap, tiyaga na lang sa palpak na kasal

Kung mahirap, tiyaga na lang sa palpak na kasal

Malakas ang kutob ng marami na may pag-asang pumasa ang panukalang batas hinggil sa diborsyo sa bagong Kongreso.

Tila nawala na ang takot ng mga mambabatas sa simbahan – tapos ng mga bantang supot ng mga obispo noong nakaraang eleksyon.

Subalit’t giit pa rin ng mga pare, ang pag iisang-kabiyak ay likha sa langit. Tulad ng kulog at kidlat?

••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit.

ANGEL:  Ang pag-ibig ay parang ngipin – minsan duguan, minsan masakit

ERNIE:  Parang utot din yan minsan – nalilihim, minsan bunyag.

ANGEL:  Pero higit sa lahat ang pag-ibig ay parang kulangot.

ERNIE:  Dahil?

ANGEL:  Di mo malalaman kung masarap kung hindi mo titikman!

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: