Speechwriters ng SONA – Todo Migraine!

Ang magagandang ibabalita ng Pangulo sa nalalapit na SONA ay naglaho parang bula dahil sa hindi inaasahang pagbabago ng ihip ng hangin.

Araykupowwwww
Araykupowwwww

Tumaas ang bilang ng mga naghihirap.

Sumemplang ang stock market.

Bumagsak ang halaga ng piso kontra dolyar.

Tumaas ang presyo ng gasolina, kuryente at tubig.

Talamak ang smuggling, walang patid.

Nabitin ang peace talks sa Mindanao.

Patuloy na dinuduro ng China ang Pinas at tayo’y… tameme.

Kamalasan pa, tatlong taon nang walang pakialam si Gloria Arroyo sa pamamalakad ng gobyerno – kaya hindi na siya pwedeng sisihin sa patung-patong na perwisyo.

gma

Kung blanko ang mga susulat ng talumpati, suggestion ko ay banggitin ang terms and conditions na nilapat ng korte sa… custody case ni Kris at James.

Pihadong “all ears” ang susubaybay sa SONA.

•••••••••••••••••••

Tulad ng maraming mga Pilipino, boto si PNoy na ipagamit ang ating mga  base militar sa  America at Japan upang bawas-bawasan ang panduduro ng China.

At least, mababawasan ang ating kaba na nadagdagan pa kamakailan nang ipahiwatig ng ating defense secretary na wala talaga tayong magagawa sa puwersa ng mga Tsino.

(Photo: Leyte Samar Daily)
(Photo: Leyte Samar Daily)

Para na rin sinabing “Bahala na si Batman!”.

Wag lang sana magkalat ng lagim ang mga Kano at Hapon dito lalo na sa larangan ng pag galang sa ating mga kababaihan.

•••••••••••••••••••

Sa buong Southeast Asia, ang Pilipinas ngayon ang pinakamabilis na lumalaking merkado para sa smartphones. Lumobo ng 326% kung ikukumpara sa nabenta noong 2012.

Sa isang survey sa Metro Manila, di kukulang sa 75% ay kumukuha ng litrato o video gamit ang kanilang smartphones, 45% ay abala sa internet-browsing, 44%  ay namamasyal sa social networks tulad ng Facebook, at 37% ay nagtse-check ng email.

selfie

•••••••••••••••••••

Halo-halo News. Wala pa ring trabaho sa gobyerno ang ex-senators na si Ping Lacson at Kiko Pangilinan. Pinag-aaralan pa ni PNoy kung papaano gagamitin ang dalawang mahuhusay na mambabatas.

Laking aksaya - kung walang papel sa gobyerno!
Laking aksaya – kung walang papel sa gobyerno!

Papalitan na ang uniporme ng mga pulis para mas akma sa ating klima at kultura. Kulay pink?

police-uniform-pink-01

Imbes na pinapakita si DOH Asec Eric Tayag na nagsasayaw o kumakanta laban sa dengue o anumang bagong-usong sakit, ang dapat i-prodyus na video ng pamahalaan ay isang nagpapakita ng panganib at mapait na katapusan ng pagpupuslit ng illegal na droga sa ibang bansa.

Asec Tayag - Gangnam style!
Asec Tayag – Gangnam style!

•••••••••••••••••••

Huling hirit.

ERNIE:     Ano ang kaibahan ng holdaper at ng mataas na presyo ng kuryente?

ANGEL:    Wala. Parehong masakit sa bulsa… pero yung sa kuryente, may  basbas ng gobyerno.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s