Advertisements

Mga manyakis na opisyales – laganap?

Naglalabasan na ang mga biktimang OFW na diumano’y binaboy sa mga tanggapan na inaasahan nilang siyang magdudulot ng paguunawa, tulong o saklolo sa kanila.

Tatlo sa mga biktima ng "sex for fly" gang

Tatlo sa mga biktima ng “sex for fly” gang

Lumantad ang ilang kababaihan na nagsumbong na diumano’y binugaw sila o kaya’y inabuso ng mapagsamantalang mga Pilipinong opisyales sa ilang embahada sa middle east.

Kuwento ng isang OFW – kapalit ng pagbugaw sa mga dayuhan ay ang tiket para makabalik sa Pinas.

Ang ibang tiwaling opisyales, mas garapal – sila mismo ang nagtangkang humalay sa mga OFW.

Sa kasalukuyan, tatlong mga pangalan pa lang ang nababanggit na sangkot sa kasong ito: si acting labor attaché to Jordan Mario Antonio, assistant labor attache Antonio Villafuerte at si Blas Marquez, tauhan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Kuwait.

Sana’y mabilis at sapat na hustisya ang makamtan ng mga biktima at ganun din ang sinumang akusado na inosente.

  •••••••••••••••••••

Muling naisahan ng GMA 7 ang matinding kalabang ABS-CBN.

Naglabas ng kakaiba at pinag-uusapang teleserye ang GMA na pinamagatang “My Husband’s Lover”.

lover

Ito’y kuwento tungkol sa lihim na romansa na namamagitan sa dalawang… lalaki, isa sa kanila – may asawa.

Lalong lumobo ang mga sumusubaybay dito ng ipinabatid ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na mahigpit nilang babantayan ang palabas.

Kaya mga prodyuser, para pumatok ang inyong produksyon… hayaang pag-initan ito ng CBCP.

 •••••••••••••••••••

Nakakapanghina ang balita na may ilang kaanak ang mga biktima sa Ampatuan massacre na handa nang iurong ang kanilang demanda – kapalit ang P50M na kabayaran.

ampa

Marami ang naiinip na sa napakabagal na usad ng kaso. Tantya nga ng isang abogado na – sa dami ng akusado, saksi at ebidensiya – maaaring abutin ng 200 taon ang kasong ito.

•••••••••••••••••••

Huling hirit.

May isang nakakaaliw na posting sa Facebook mula kay Ms. Cooky Chua (singer ng bandang “Color It Red”).

cookie

Isinulat niya: “Nais kong magpasalamat sa magandang miss na nakasabay kong maghintay kay doc sa clinic. Di maiwasang makinig sa pakikipag usap nya sa telepono at nilista ko sa cell ang mga sinabi niya na sobrang nakakatawa.

Example:

1. Hay naku, wala na akong ka amor powers sa kanila dahil nas stresstabs ako
2.  Ang dapat na i-shoulder to cry on nya eh yung sarili nyang shoulder hay
3. Okay na yan, ano… wag ka nang ma-angry bird
4. Hay naku. okay na yang problema mo, eh etong pamilya ko lifetime achievement award na sa buhay ko eh.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: