“Kung hindi kayo masaya – layas!”

Kumakalat sa internet ang diumano’y talumpati ng lider ng Austraia – isang babae.

Mukhang napuno na sa maraming reklamador, kaya sa talumpati’y galit na giniit ni Australian Prime Minister Julia Gilard na ang mga immigrants sa bansa ang dapat makibagay at mag-adjust sa pamamaraan ng buhay sa Australia – hindi ang mga Australian.

Pinaliwanag niya na “Ingles ang pananalita rito – hindi Kastila, Lebanese, Arabic, Chinese, Japanese, Russian o iba pang wika. Kung gusto niyong maging bahagi ng aming lipunan, mag-aral kayo ng Ingles”

julia

Dagdag pang sinabi, “Karamihan ng mga Australian ay naniniwala sa Diyos.

Pagka’t ang bansang ito’y tinatag ng mga Kristiyano, wala kaming nakikitang masama kung ang aming paniniwala ay umabot sa mga paaralan.

Kung nao-offend kayo sa Diyos, mas mainam na maghanap kayo ng matitirhan sa ibang bahagi ng mundo pagka’t ang Diyos ay bahagi ng aming kultura.

Tanggap namin ang inyong paniniwala at hindi ito kwe-kwestyunin.
Kung hindi kayo masaya rito, umalis na lang kayo.

Hindi namin kayong pinilit na tumungo rito. Kaya tanggapin niyo ang bansang inyong pinili.”

Yan ang lider!

•••••••••••••••••••••••

Libu-libo ang naperwisyo nang umulan at biglang nagbaha noong Lunes.

May inabot ng limang oras bago makarating sa Cubao – mula sa Makati.

Makati hanggang Cubao - limang oras!
Makati hanggang Cubao – limang oras!

Ang perwisyo ay dala ng mga dating dahilan: mga repair work sa kalye (na di kailanman matapos-tapos habang hindi pa tag-ulan), basurang di nakokolekta, basurang walang tigil na tinatapon sa mga estero at waterways ng Metro Manila.

Nadagdagan pa. Balita’y sadyang binara ng mga “tulak boys” ang ilang lagusan ng tubig-ulan para tibang-tiba ang kanilang kalakal – ang pagtulak ng mga sasakyang tumititirk sa baha.

Mga buwiset!

•••••••••••••••••••••••

Inanunsyo ni DILG Sec Mar Roxas na ang pamahalaan ay bibili ng 2,500 patrol cars para bumilis at maging mas epektibo ang Philippine National Police sa laban sa krimen.

"Bulto-bulto ang pagbili ng police cars - hindi tingi..."
“Bulto-bulto ang pagbili ng police cars – hindi tingi…”

Pinulong ni Roxas ang mga opisyales ng ilang mga car manufacturers, kabilang na ang Mitsubishi, Honda, Toyota, Kia, at BMW at ipinahiwatig na may nakalaang budget na P2.08 bilyon para sa mga sasakyan – at ang pagbili ay bulto-bulto, hindi “tingi”.

Wag lang sanang malimutang maglaan ng budget para sa gasolina… kundi’y magsisilbi lang “props” ang mga sasakyang ito sa labas ng mga presinto.

•••••••••••••••••••••••

Huling hirit.

Ernie: Ano sa inggles ang Maswerte akong lalaki?
Angel: Lucky Me with Egg.

Ernie: Eh iyong matronang barat?
Angel: Payless instant Mommy?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s