Ang ni-rape… ang pinarusahan?

Sa Maldives – isang bansa sa Indian Ocean – medyo bulok ang sistema ng hustisya.

May isang 15-anyos na dalaga na ginahasa sa loob ng maraming taon ng kinakasamang lalaki ng kaniyang nanay.

Pinatay pa ng lalaki ang sanggol ng dalaga nang ito ay nabuntis.

Nang ito’y madiskubre ng mga awtoridad, nilabas ng gobyerno ang kautusan na agad dapat parusahan – ang dalaga.

Korek. Ang biktima ng rape pa ang hinatulan ng korte na siyang mananagot para sa krimeng “sex outside marriage”.

Ang parusa: paglatigo ng 100 beses – saksi ang publiko .

maldives flogging

Kumalat ang balitang ito sa buong mundo na hindi kinatuwa ng marami. Binaha ng protesta si Maldives President  Mohammed Waheed Hassan kaya napilitang ipawalang bisa ang hatol ng korte.

Pero wala pa ring happy ending sa kuwentong ito pagka’t – sa Maldives – tuloy pa rin ang parusang paglatigo ng mga kababaihan at kabataan – kabilang na ang mga biktima ng rape at pag-aabusong sexual.

•••••••••••••••••

Nagpaalam na si Ping Lacson sa kaniyang mga kasamahan sa Senado kung saan kakatapos lang ng kaniyang huling termino bilang Senador.

Pero umaasa ang marami ng hindi tuluyang mag-reretiro ang senador na dati ring nagsilbi bliang isang “no-nonsense” PNP chief.

Nang tanungin tungkol sa kaniyang mga plano, inamin ni Sen. Ping na nais niyang mamuno sa isang grupong epektibong magpapatibay sa anti-corruption drive ng gobyerno.

ping
Kakarerin ang labanan ang corrupt?

Balita’y nag-usap na ang Pangulo at si Senador Ping pero hindi pa klaro ang ilang mga detalye tungkol sa posisyon at kung papaano ito isatutupad.

Sana nama’y hindi mapunta sa isang “study group” sa Malacanang ang mga plano para sa patuloy na pagsilbi sa taong bayan ng isang Ping Lacson.

•••••••••••••••••

Sa isang bansang tulad ng Piliinas na laging binibisita ng bagyo at tinatamaan ng mga sakunang dala ng kalikasan, mahalaga ang Pagasa (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration).

Magnet ang Pinas sa perwisyong dala ng tampo ng kalikasan
Magnet ang Pinas sa perwisyong dala ng tampo ng kalikasan

Ang problema: napapabayaan ang hindi glamorosong ahensiyang ito.

Kapos sa budget… tiyane magpasahod kaya ang magagaling nating weather forecasters ay kay daling nasusulot sa ibang bansa.

Kahit ang administrator ng Pagasa si Nathaniel Servando ay nagpasyang mag-leave ng tatlong buwan (na pinadagdagan pa ng dalawang buwan).

Akala ng mga kasamahan ay magpapahinga lang si Servando habang inaasikaso ang maliit nitong sari-sari store sa kaniyang tahanan.

Huling balita’y nagtuturo siya sa isang unibersidad sa Dubai.

•••••••••••••••••

Huling hirit.

Teacher:  Angel, sagutin mo ang tanong ko – kung meron akong 5 anak sa unang asawa at 6 sa pangalawang asawa, mayroon akong…?

Angel:  Ma’am, meron kayong taglay na kalandian.

•••••••••••••••••

Huling huli na.

Idineklara ng isang kandidato (na garapal na nag-vote buying sa halagang P6,000 bawat tanga) na maliit lang ang ginastos niya – hindi pa raw umabot ng P300,000.

kulang

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s