Advertisements

Kapakanan ng eroplano – inuna?

Dumulas at sumadsad sa putik ang isang Airbus ng Cebu Pacific sa Davao International Airport noong Hunyo 2.

(Photo by Inquirer.net)

(Photo by Inquirer.net)

Agad giniit ni Lance Gokongwei, President/CEO ng Cebu Pacific, na ito ay hindi “emergency situation” na saliwa naman sa kuwento ng ilang mga namumutlang pasahero. (Kuwento ng isang pasahero.)

Sino ang papaniwalaan?

Sino ang paniniwalaan?

Sabi ng mga nakapanayam ng media na kanilang akala’y katapusan na nila. Nang tumigil ang eroplano, walang man lang narinig na anunsyo o babala kung ano na ang dapat gawin. Inabot ng halos 20 minuto bago nakalisan ang mga pasahero sa eroplano – labag sa patakaran na dapat ma-“evacuate” ang mga pasahero sa loob ng tatlong minuto.

Laking perwisyo ang dinulot ng nasirang eroplano: higit sa 40 flights ang kinansela o re-routed, daan-daang pasahero ang naabala at maraming negosyo ang tinamaan ng pagkalugi na tinatantsang aabot ng halos P250 milyon.

Barado kasi ng dalawang araw ang runway at ayaw naman pagalaw ng Cebu Pacific ang nasirang eroplano pagka’t baka manganib ang insurance na hahabulin nila.

Si Davao Mayor Sara Duterte ay galit na galit sa sobrang perwisyo na nagbanta siyang papatulong sa PAL na wasakin ang eroplano o tatawagin ang lahat ng junk dealers at akyat bahay ng Davao para talupan ito.

Pinaka “bad trip” sa marami ay ang pinakitang kilos ng mga taga Cebu Pacific. Pati ang may-ari ng airline – imbes na kumustahin ang mga pasahero – ang unang inatupag ay ang lumpong eroplano na may halagang $40-M.

•••••••••••••••••••

Tsinoys vs Tisoys – tuloy ang away. Tapos ng napakaraming taon, mukhang desidido na ang gobyerno na sa Trinoma – at hindi sa SM North Edsa – itatayo ang istasyong sentral na parehong gagamitin ng LRT 1&2 at MRT 3, pati na rin ang binabalak na MRT 7.

trinoma

•••••••••••••••••••

Hindi na hinintay ni Senate President Enrile na maglabasan ang mga hudas na senador na siyang maglalaglag sa kaniya –  agad siyang nagbitiw bilang Senate President. Ang desisyon niya ay kaniyang inihayag sa isang privilege speech kung saan tinira na rin niya ang mga (sa isip niya) nagtaksil at siya ring dahilan na natalo ang anak niyang si Jack nang tumakbo ito sa pagka senador.

JPE

Pakiwari ng marami na si Sen. Drilon ang papalit kay JPE

•••••••••••••••••••

Hula who. Natsugi ang isang variety TV show at isa raw sa mga dahilan ay ang mag-asawang kabilang sa mga host nito. Ang lalaki’y sumubok lumundag sa ibang network pero hindi kinagat ang mga hiling niya. Package deal kaya?

•••••••••••••••••••

Huling hirit.

ERNIE: Pare, noong mayaman pa kami, nagkakamay kaming kumain. Ngayong mahirap na kami, nakakutsara na.

ANGEL: Baligtad yata?

ERNIE: Mahirap kamayin ang lugaw, pare!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: