Ang Rape – Hindi Nakakatawa

Inulan ng batikos si Vice Ganda dahil sa isang “joke” na pinakawalan niya sa kaniyang concert kamakailan.

Ika niya:

Ang hirap nga lang kung si Jessica Soho magbo-bold. Kailangan gang rape lagi. Sasabihin ng rapist, ‘Ipasa ang lechon.’ Sasabihin naman ni Jessica, ‘Eh nasaan yung apple?'”

sog

Hindi natuwa ang marami pagka’t 1) hindi dapat ginagawang biro ang paksang rape, at 2) hindi nila maintindihan kung bakit si Jessica ang pinag-initan. Isang award-winning broadcast journalist, si Jessica Soho ay disente at tahimik na tao, hindi komedyante at wala namang nasabi o nagawang masama kay Vice Ganda.

Pinagpistahan si Vice Ganda sa internet.
Pinagpistahan si Vice Ganda sa internet.

Ang pambabastos ay hindi pinalampas ni Arnold Clavio, kasamahan ni Jessica sa GMA 7.

Nanggigigil na ibinuhos ang galit.

Bakit mo binibiktima ang mga taong seryoso sa trabaho nila? Huwag mo silang kasangkapanin para lang makapagpagpatawa. Bakit hindi taga-diyan sa inyo ang gawin mong subject ng jokes mo? Baki hindi taga-ABS?”

May katuwiran si Arnold. Bakit kaya hindi subukan ni Vice na ang gawing taya sa joke niya ay si… Korina Sanchez? Kaya ba ng powers niya? O, tsugi siya agad sa trabaho?

(Pinakahuling balita’y sinubukang mag-apologize ni Vice Ganda kay Jessica Soho – dala na rin sa tumitinding galit ng taong bayan – pero mukhang hindi nagkaayusan.)

•••••••••••••••••••••••••••

Helong-helo na ang mundo sa dami at bilis ng mga pagbabago. Sa France, legal na ang same-sex marriage  – wa-epek ang pagpo- protesta ng daan-daang libong tutol dito.

france

Sa America, puwede nang sumapi ang mga bading sa Boy Scouts.

Tanggap na ang bading sa Boy Scouts
Tanggap na ang bading sa Boy Scouts

Sa Colorado, malapit nang maging legal ang paggamit ng marijuana.

•••••••••••••••••••••••••••

Kahit si Charice ay dumaraan sa kay raming pagbabago: dedma lang sa mga batikos tungkol sa kaniyang kakaibang anyo at kilos. “Para akong ibong malaya”, masaya niyang inihayag.

Parang "ibong malaya"
Parang “ibong malaya”

At para patigilin ang maraming gumigiit na “laos” na siya, bumili ng bagong BMW ang singer – at cash ang pinambayad.

Astig!

•••••••••••••••••••••••••••

Simula June 20, bawal na ang plastic sa Makati. Ang tinutukoy na bawal ay hindi ang ilang plastic na nakatira sa Forbes kundi… plastic na ginagamit na pambalot ng mga negosyo sa lungsod.

Bawal na ang plastic
Bawal na ang plastic

Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P1,000 at may kasama pang kulong.

•••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit.

ANGEL: BAKIT MAY TALI KA SA PAA!!?

ERNIE: Gusto ko nang magpakamatay! MAG-BIBIGTI AKO!

ANGEL: Bakit sa paa? Dapat sa leeg!

ERNIE: Sinubukan ko na sa Leeg kanina. Kaso hindi ako maka hinga eh.

ANGEL: Ngek!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s