Advertisements

Mas Bata ang Mister? Yari Ka!

Young-Groom-Old-Bride--18548

Maraming matututunan kay Ai-Ai delas Alas sa kaniyang nakakalungkot na karanasan kamakailan.

Noong Abril, nagpasya si Ai-Ai, 48, na pakasalan ang kaniyang boypren na 20 taon ang agwat sa edad niya.

Tapos ng isang buwan bilang mister at misis, naisipan ni lalaki na type niyang mag-casino para ipagdiwang ang “monthversary” nila. (Marahil nagsawa na siya sa kakaharurot sa Chevy Camaro  na iniregalo sa kaniya ng galanteng misis.)

Hindi “feel” ng artista na mag-casino at sabi’y mag-hotel na lang sila.

Ikinagalit ito ni mister.

“Hinagis ako sa kama, sampalan, bunuan. Noong araw na iyon, feeling ko ‘yung time na hinila niya ako sa sahig at kinaladkad niya ako, doon ko na-realize na hindi ko na ito kaya… “, inamin ni Ai-Ai.

Iginigiit ng mga kaibigan ni Ai-Ai na may pre-nup ang mag-asawa. Pakiwari nami'y  wala - ang taong sobrang in-love, wala sa sarili o tamang pagiisip...

Iginigiit ng mga kaibigan ni Ai-Ai na may pre-nup ang mag-asawa. Pakiwari nami’y wala – ang taong sobrang in-love, wala sa sarili o sa tamang pagiisip…

•••••••••••••••••••••••••

Mautak itong si President Ma ng Taiwan. Bagsak ang rating niya kaya ginagamit ang pagkabaril sa isang Taiwanese sa teritoryo natin para tumaas-taas ang naghihingalong popularidad.

Uto-uto naman ang mga Taiwanese at sumakay sa gimik. Gigil na gigil ngayon ang mga anak ng tokwa sa mga Pinoy na nagta-trabaho at naninirahan sa Taiwan.

taiwan-630x420

Klarong-klaro, noh. 1. Nangingisda ang mga Taiwanese nang walang pahintulot sa ating teritoryo. 2. Agad-agad nagpadala ng personal apology si PNoy – pero ang gusto ng mga dura-dura gang ay apology mula sa gobyerno ng Pinas. 3. Malaking pera na ang naibigay sa napatay na mangingisda – pero humihingi pa ng dagdag ang mga Taiwanese.

•••••••••••••••••••••••••

Cezar Mancao inaasar si De Lima? Ang pinaghahanap na witness-na-naging-akusado sa Dacer-Corbito case ay nagtatago pero may oras pang asarin si DOJ Secretary Leila de Lima.

Nagpakuha at ikinalat ni Mancao ang maraming litrato niya na nagpapakita sa matinding pinaghahanap-hanap ng NBI na nagre-relaks sa isang coffee shop, nakapila sa Jollibee at naka tambay sa paligid ng Department of Justice.

mancao

So, anong “peg”, serr?

So, anong “peg”… anong konek, serr? Gustong patunayan na mas magaling ka kay Sen. Ping sa hide ‘n seek?

•••••••••••••••••••••••••

Ang pinakamagandang balita sa nakaraang eleksyon ay ang pagkabuwag ng ilang political dynasty sa buong bansa. Ang pinakamalaking talunan: ang mga Jalosjos ng Zamboanga peninsula. 13 sa angkan ang tumakbo sa maraming puwesto – isa lang ang nakalusot.

People's revolt sa Zamboanga?

People’s revolt sa Zamboanga?

•••••••••••••••••••••••••

HULING HIRIT.

ANGEL:  Balita ko bakla ka.

ERNIE:  Hindi ako bakla noh! Mga chismax lang yan galing sa mga chuvaness na walang magawa sa chenelyn nila. Mga chaka ever! Ako? Backlush? Hallow?

ANGEL:  Ganun ba? Akala ko totoo ang churvah. Okey.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: