Oprah kay Charice: “Anyari?”

Abalang-abala siguro si Oprah Winfrey sa paghahagilap kay Charice Pempengco.

Balita kasi na ang singer (na kamakailan lang ay naka-kontrata sa kumpanya ni Oprah) ay itinanan si Alyssa Quijano, isa ring singer na naging finalist sa singing contest na X-Factor.

The "new" Charice
The “new” Charice

Nagbagong-anyo at dating rin si Charice. Ang tawag ng ilang entertainmnet reporters dito ay ang “barako look”.

Naririnig-rinig na namin ang unang pukol ni Oprah: “Hello, Charice… anyari?”

 ••••••••••••••••••••

Lupit manlait. Grabe ang panlalait na pinupukol ng marami kay Nancy Binay, isa sa ating mga bagong senadora. Hindi na ang kaniyang kakayanan ang tinitira kundi ang kulay ng kutis at ang kaniyang anyo.

Medyo malupit na ang tirahan
Medyo malupit na ang tirahan

Malamang nasasaktan na ang pamilya Binay. Siguro, konting hinay-hinay tayo. Kahit si Lito Lapid – ang tahimik na Senador – ay di kailanman naulanan ng pangungutya tulad nang bumubuhos ngayon kay Nancy.

 ••••••••••••••••••••

Napakasuwerte ang mga naninirahan sa dalawang lungsod sa Metro Manila. Mayroon silang alkaldeng mga babae na disente, hindi corrupt at kapakanan ng mga siyudad ang prioridad.

Ang itinutukoy ko ay si Taguig Mayor Lani Cayetano at si Mayor Maribel Eusebio ng Pasig City.

 ••••••••••••••••••••

Malikot mag-isip ang Diyos. May ilang kandidato sa pagka-Senador ang  puspusang tinarget na sila’y maging Numero Uno sa winning 12. Katuwiran:  para pataasin ang halaga nila sa darating na eleksyon sa 2016… para paramihin ang tataya sa kanila kung magpasya silang tumakbo sa mas mataas na posisyon.

Buking ng Diyos ang pakay.  Pinagkaloob ang No. 1 position sa isang kandidatong wala masyadong budget, walang ga-higanteng ambisyon, walang maraming pinapangako at walang kaere-ere.

May kasamang kindat, ang puwesto’y binigay ni bossing kay Amazing Grace. Grace Poe.

grace.001••••••••••••••••••••

Sawang-sawa na ang mga Pinoy sa pare-parehong mga apelyidong naghahari sa ating mga lungsod at lalawigan.

Ang tanong ng marami: maaari kayang mabago ang situwasyon bago sumapit ang halalan 2016?

O. umasa pa tayo?

••••••••••••••••••••

Huling hirit.

(Sa office.)

Si bossing naguguluhan about his math ay tinanong ang kanyang secretary:

BOSS: Kung bibigyan kita ng 5 milyon, less 12.35%, how much would you take off ?

SECRETARY : Lahat sir, pati damit, at bra, and….

••••••••••••••••••••

(Sige na nga… isa pa.)

ANGEL: Ano ang pagkakaiba-iba sa stress, tension at panic?

ERNIE: Stress ay kung buntis ang asawa.

ANGEL:  Tension?

ERNIE:  Tension  ay kung ang kabit ay buntis.

ANGEL:  At panic?

ERNIE:   Panic is ay kung parehong buntis.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s