Mamumulubi Ka Sa Taxi!

Wag na wag mag-taxi oras na lumapag sa Narita Airport, Japan para tumungo sa sentro ng Tokyo.

Ayon sa pinakabagong pag-aaral, yan ay magkakahalaga ng $300 – ang pinakamahal na pagpapapara ng taxi sa buong mundo.

"Baka naman, hindi ka pa rin boundary dyan, teh..."
“Baka naman, hindi ka pa
rin boundary dyan, teh…”

Buti pa, sumakay na lang kayo sa Narita Express train – $28 lang ang pamasahe sa parehong tutunguhan.

•••••••••••••••••••••••

Tatlong bagitong pulis ang nahuling nag-iinuman sa isang iskinita sa Sampaloc – naka-uniporme at nakasukbit ang kanilang mga baril.

Tsugi dapat agad.

Walang lugar sa kapulisan ang mga damuhong ito. Korek ba, Sen. Ping?

ping

•••••••••••••••••••••••

Nagsimula na namang magdate si PNoy. Pero ang date, may kasamang chaperone. Better luck next time?

Ang magandang date ay si Bianca Manalo
Ang magandang date ay si Bianca Manalo

•••••••••••••••••••••••

Ang bansang ito ay magaling sa arithmetic.

Ang numero ng mga turista, investment at pumupuri… umaakyat.

Ang bilang ng mga kriminal na nahuhuli sa CCTV… tumataas.

Pero sa ‘spelling’, tila nangangamote. Bakit kamo?

Spelling

Ang bagong Comelec commissioner Luie Guia ay hindi pa maaaring ikasa sa puwesto.

Dahil sa wrong spelling.

Sabi ng Comelec chair Sixto Brillantes na ang pangalan ni Guia ay misspelled sa appointment papers.

“So he cannot take the oath until Malacanang gives us new appointment papers, with the corrected name,” giit ni Brillantes.

Sa papeles mula sa Malacanang, ang nakasulat na first name ni Guia ay “Louie.” Ang tamang speling ay “Luie.”

Baka nasobrahan sa selebrasyon at champagne ang mga alipores ni Pnoy.

•••••••••••••••••••••••

Kampante ang mag-utol. Tapos magpasabog ng bomba ang binansaggang “Boston Bombers”, itinuloy ang kanilang mga buhay na parang walang nangyari.

bomb

Bumalik ang mas bata sa kaniyang klase at nagawa pang mag-party.

Ang kuya naman niya, balik sa pag-alaga ng baby nito pagka’t ang asawa niya ang naghahanap-buhay.

Hindi alam ng dalawang bugok na pinagtatagpi-tagpi ng mga imbestigador ang mga larawan at video na nakuha noong pagsabog at… bistado na sila.

•••••••••••••••••••••••

Hula who? Nagpaganda nang husto ang isang kontrobersyal na artista/personalidad. Bulung-bulungan, para raw akitin ang bumisitang bilyonaryo sa Pinas?

Nagkataon namang pwedeng magkaroon ng higit pa sa isang asawa sa kultura ng bilyonaryo.

"Maiba naman..."
“Maiba naman…”

Inisip-isip siguro ng star: kahit ang kayamanan ni Oprah, kaya nang tapatan.

Anyare, hija?

•••••••••••••••••••••••

Huling hirit.

ERNIE:     Pre, anong kataga ang disenteng gamitin pag na-eebak ka?

ANGEL:   Eh, di… TAWAG NG KALIKASAN!

ERNIE:    Paano naman kung… nautot lang?

ANGEL:  Eh, di… MISSED CALL.

•••••••••••••••••••••••

At bago kami mag-paalam ngayong linggo… naririto ang napapanahon na paalala:

Advertisements

1 thought on “Mamumulubi Ka Sa Taxi!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s