Mga totoy – armed and dangerous

Si Jury Habon, isang binatilyo, ay namatay nang suntukin siya sa mukha at ulo ng kaklase niyang may suot na brass knuckles.

Nakakabahala. Senyales na panahon na para ipagbawal ang mga balisong at brass knuckles na ibinebentang parang fishball sa maraming bangketa.

brass
Para ka na ring pinukpok ng martilyo

Senyales rin na dapat pag-aralan nang mabuti ang Juvenile Justice Law na nagbibigay ng sobrang proteksyon sa mga sangganong menor de edad.

 ••••••••••••••••••••••••

Hinahanda na ng PCGG ang pag-exhibit (at ang inaasam-asam nilang pagbenta) ng ilang mga alahas ni Imelda Marcos.

Sana lang ay hindi napalitan ang ibang bato
Sana lang ay hindi napalitan ang ibang bato

Maraming taon na’ng bantay-sarado ang mga ginto, diamante at ibang mga mamahaling bato ng dating First Lady sa mga kaha de yero ng Bangko Sentral. Ang mga ito, may halagang higit kumulang sa $8-million, ay magigisnan na – kahit ng mga taong wala ni singsing na yari sa puwet ng baso.

Panalangin namin sa mga alahas: sana’y walang nangyaring salisi at napalitan ng pekeng bato.

••••••••••••••••••••••••

Hula who? Bakit nawalang parang bula ang isang kilalang brodkaster?

Ang nasabing brodkaster ay naka-“scoop” ng istorya tungkol sa isang batang musmos na nawawala.  Marami ang nahabag sa kuwento.

Pero bago magatasan nang husto ang balitang ito, nabalik ang bata sa kaniyang mga magulang.

Para hindi mapanis ang “scoop” niya, nagpasya ang brodkaster na itago muna ang magandang balita sa mga nananabik na manonood.

Pero nabuking siya ni kabayan Noli de Castro.

Kaya, wala na sa balita… at hindi na rin kapamilya si brodkaster.

Subukan kaya n'ya mag-barker sa bingo?
Subukan kaya n’ya mag-barker sa bingo?

Malamang, nakaluhod at nagdarasal sa lahat ng mga santo(s) para bigyan siya ng “one more chance”.

••••••••••••••••••••••••

Tatlong inosenteng nilalang ang namatay nang dalawang bomba ang sumabog habang nagaganap ang Boston Marathon noong Martes.

Kasama sa mga namatay si Martin Richard, 8 taon ang edad. Kabilang din si Krystle Campell, 29 taon ang edad.

At pangatlo, isang Chinese graduate student ng  Boston University.

boston

Mayroon ding 183 taong nasaktan at sinugod sa ospital – 13 sa kanila ay nangailangang putulan ng paa at hita o mga kamay at braso.

••••••••••••••••••••••••

Huling hirit.  Ang bagong anyo ng ating wika… ano raw?

ERNIE: Hallow, Angel!
ANGEL: Uy mother ever! Na chenilyn de kimberlyn ko na po yung mga chuva ek ek!
ERNIE: Bonggacious! Eh yung mga chenes chenes, carry na ba?
ANGEL: Flatshoes! Winnie Santos mama, wiz na wori eclavou na ever! Na chorva na!
ERNIE: Ang tarush! Maldita ka talagah vruha ka! Eh di windra na naman watashi?!
ANGEL: Anufi, ate..
ERNIE: Oshah babush na. Rarampa pa ang lola!

Winnie Santos kay supreme leader!
Winnie Santos kay supreme leader!
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s