Goodbye, galunggong!

Binabalak ng gobyerno na ipagbawal ang paghuli ng galunggong sa isang taon.

nofish

Kailangan ito dahil nauubos na daw ang supply ng galunggong, lalo na sa Palawan kung saan 60% ng isdang ito ay nagmumula.

Tumataas tuloy ang presyo: ang galunggong ngayon ay P114.85 kada kilo, tumaas mula sa P112.95 kada kilo noong Disyembre.

Hello, Lucky Me!

••••••••••••••••••••••••

Ang heat stroke ay dala ng matagal na pagkakabilad ng katawan sa matataas na temperatura. Madaliang nababawasan ang kakayanan ng katawang kontrolin ang init.

heat-stroke

Ang karaniwang biktima ay may body temperature na di bababa sa 105 degrees Fahrenheit.

Ilan pa sa mga simptomas:

Matinding sakit ng ulo

Pagkahilo o panghihina ng katawan

Hindi pinapawisan kahit mainit

Mapula, mainit at tuyong balat

Pagsusuka

Pagkakawalang malay

Tibok ng puso – masyadong bumibilis o bumabagal

Kung may kasamahan kayong biktima ng heat stroke, ilipat sa isang lugar na malamig o may aircon.

Paypayan ang biktima habang binabasa ng tubig ang balat niya gamit ang sponge.

Isugod agad sa ospital.

••••••••••••••••••••••••

Sa linggong ito noong 1970, inihayag ni Paul McCartney na magwawatak na ang Beatles.

Buong daigdig ay nalungkot.

break3

Kamakailan, tinanong si Paul kung sino sa mga musikero sa mundo ang pinapangarap niyang makasama sa entablado. Walang dalawang isip, sagot ng popular na Beatle: John Lennon, George Harrison at Ringo Starr.

••••••••••••••••••••••••

Hula who. Inutusan ni boss ang opisyales na ito para kausapin ang isang nagbibigay ng ‘sakit ng ulo’ sa pamahalaan. Pero si opisyales – itago natin sa ngalang Ralph Lauren – tumungo sa assignment na nakainom at kasama pa ang girlfriend.  Naghilamos pa sa bahay ng kakausapin para maalis ang pagka-lasing. Bastos… kaya walang nangyari!

Hic... pinapunta ako... hic... ni... P...
Hic… pinapunta ako… hic… ni… P…

••••••••••••••••••••••••

Nagkalat sa mga bangketa ang ibinebentang Electronic Cigarettes – de-batiryang alternibo sa pangkaraniwang sigarilyo. Ito ay mayroong heater, batirya at sisidlang paglalagyan ng solusyon ng propylene glycol, nicotine at iba pang kemikal.

ecig

Binibigyan ang gumagamit ng hinahanap na epekto ng nicotine na hindi kasama ang mga sangkap ng sigarilyo tulad ng tobacco, carbon monoxide at tar na masama sa baga.

Nguni’t kahit mas ligtas ang electronic cigarette, ito ay may sangkap na Diethylene Glycol na masama sa katawan. Mayroon ding mga sangkap na maaaring magdulot ng cancer tulad ng nitrosamines.

 ••••••••••••••••••••••••

Huling hirit.

ERNIE: Angel, bakit sunog ang tenga mo?
ANGEL: Kasi may tumawag kanina eh, napagkamalan kong telepono yung plantsa! Wrong number naman pala!
ERNIE: Eh bakit dalawang tenga mo nasunog?
ANGEL: Eh kasi tumawag ulit yung TANGA!

Advertisements

1 thought on “Goodbye, galunggong!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s