Advertisements

Mga Ampatuan – Tuloy ang Saya!

Akala ng marami’y tapos na ang pamamayagpag sa politika ng angkang Ampatuan nang marami sa kanila ay nasangkot sa Maguindanao massacre.

Maraming taon na ang lumipas pero wala pa ring hustisya ang mga nasawi sa Magunidanao massacre

Maraming taon na ang lumipas pero wala pa ring hustisya para sa mga nasawi sa Magunidanao massacre

Ang totoo: ngayong eleksyon, may 74 miyembro ng angkan ang kakandidato sa 14 na municipalidad ng Magunidanao.

Sa sobrang dami ng tatakbo, maglalabo-labo sa parehong posisyon ang ilan sa kanila.

May halos sampung Ampatuan ang kasapi at suportado ng Partido Liberal ni PNoy.

•••••••••••••••••••••••

Samantala, ang Ilocos Sur ang may pinakamaraming kandidato sa pagka-alkalde na WALANG KALABAN. Mayroong 18 kandidato ang sigurado nang panalo – kahit hindi mamili ng boto.

Malamang, walang vote-buying dito

Malamang, walang vote-buying dito

Susunod sa Ilocos Sur sa pinakaraming kandidato sa pagka-alkalde na walang kalaban ay ang Maguindanao (13), Isabela (10), Sulu (9), at Ilocos Norte (8).

•••••••••••••••••••••••

Hindi pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukalang nagtatanggal ng height requirements para sa mga pulis, bombero at jail officers.

police

Mananatili na ang mga trabahong ito’y tanging para sa mga lalaking hindi bababa sa 5’ 4” ang taas at mga babaeng may tangkad ng 5’ 2” pataas.

Ang aksyon ng presidente ay hindi ikinatuwa ni Senador Gregorio Honasan, ang siyang may akda ng panukala sa Senado.

•••••••••••••••••••••••

Maraming Pilipino ang nagpa-planong magbakasyon sa Colorado.

At hindi dahil sa magagandang mga tanawin rito.

Buwan na lang kasi ang binibilang bago gawing legal ang paggamit ng marijuana sa Colorado – kahit anuman ang dahilan nang paghithit nito.

Buwan na lang ang binibilang bago maging legal ang paggamit ng damo sa Colorado

Buwan na lang ang binibilang bago maging legal ang paggamit ng damo sa Colorado

Alam ng mga negosyante sa Colorado na bubuhos ang mga turista. Kaya, ngayon pa lang ay kaniya-kaniyang pagkakaperahan ang iniisip.

Kung ibinibida nating “it’s more fun in the Philippines”… malamang sigaw naman nila’y “you’re more high in Colorado”.

•••••••••••••••••••••••

Kahanga-hanga si Vic del Rosario ng Viva Entertainment.

Boss Vic - matindi ang pulso sa panlasang Pinoy

Boss Vic – matindi ang pulso sa panlasang Pinoy

Parang kahapon lamang nang sumbat ng marami sa industriya ay “the end” na si Boss Vic.

Iniwan ng mga artistang kaniyang na-diskubre at pinasikat.

Tumigil sa paggawa ng pelikula ng ilang taon.

Binitawan ang PBA broadcasting franchise.

Nagpasyang i-pack up ang Viva TV Channel 13.

Pero agad nakabangon.

Ngayon, si Boss Vic ang utak sa ilang bigating proyekto at piloto ng karera ng hinahangaang mga showbiz stars tulad nila Sarah Geronimo, Anne Curtis, KC Concepcion, Sharon Cuneta at marami pang iba.

Isa kang alamat, Boss Vic… buhay mo’y isang magandang teleserye.

•••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Napanood namin ang paulit-ulit na TV ad ni Cynthia Villar sa isang ga-higanteng LED monitor sa Edsa na may laki ng isang 5-storey building. Hello Comelec, ito ba’y isang billboard o isang commercial?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: