Paalam, Philamlife Auditorium!

philamlife-building

Handa nang gibain ang makasaysayang Philamlife Building sa UN Avenue.

Magarang landmark, may kakaibang architecture. Mawawala na sa balat ng lupa pagka’t pagtatayuan ng bagong condo at mall ng SM group.

Ang mga lumaki noong dekada 60 at 70 ay mayroong magagandang mga alaala sa gusaling ito. Dito’y maraming concerts, exhibits at special events na naganap.

Ang mas nakakalungkot, kasama ang Philamlife Auditorium sa gibaan. Ito ay isa sa may painakamagandang acoustics sa Asia. Sabi ng mga eksperto, ang kalidad ng tunog dito ay maaaring ihambing sa hinahangaang Little Theater ng Carnegie Hall.

Malamang malaking debate ang pinagdaanan ng hakbang na ito: kuwarta o tunog?

•••••••••••••••••••••

Nagsumbong kay Tulfo. Inireklamo si Sen Chiz Escudero ng mga magulang ng artistang si Heart Evangelista kay Mon Tulfo. Si Escudero, ang kasalukuyang kasintahan ng anak nila, ay bastos at arogante diumano.

Sa unang pagkakataong makilala ng ama ni Heart ang senador, nakahilata raw ito sa sofa at mukhang lasing.

Balak magsampa ng kaso ang mga magulang laban sa senador na ayon sa kanila’y “hindi nagpakita ng respeto kailanman”.

heart

•••••••••••••••••••••

Tumakbo sa husgado. Humiling sa korte si Kris Aquino ng Temporary Protection Order laban sa dating asawang si James Yap.

krisaquino-jamesyap

Ito’y nagbabawal na lumapit kahit 100 metro si Yap sa dating misis at anak nilang si Bimby.

Bawal din magtungo sa tahanan, sa pinagta-trabuhan ni Kris at sa anumang lugar na madalas puntahan ng mag-ina.

Bunga ito ng isang pangyayari noong Disyembre. Napasyal daw ang basketbolista sa tahanan ni Kris para sunduin ang anak. Tumungo sa kuwarto ni Kris kung saan – ayon sa TV Patrol – diumano’y pinuwersa ang sarili sa dating asawa.

•••••••••••••••••••••

Iba magparamdam ang Diyos.

Kamakailan lang, isang ama na may anak na walang pang-matrikula ay nagwagi ng P18-M sa lotto.

Tatlong PCOS machines ang natagpuan sa loob ng isang hotel room sa Tuguegarao.

Ang bagong santo papa ay isang Jesuit; anim sa top 10 na nakapasa sa bar exams kamakailan ay galing Ateneo – paaralang pinapangasiwaan ng mga Jesuit. Pinanggalingan din ng Presidente… ng Chief Justice… at Executive Secretary… at Budget Secretary… at marami pang iba.

•••••••••••••••••••••

Hula whos: weather-weather lang edition. Alkalde napatalsik pero walang balak umalis sa puwesto – suportado ng dambuhalang partido. • Magandang congresswoman ng administrasyon pinapa-alsa balutan ng Korte Suprema – dedma lang ang “peg”. • Gobernador na nasa hanay ng oposisyon… suspendido – lahat ng paraan para mapaalis agad pinakawalan. • Ayayayyy… walang pagbabago.

•••••••••••••••••••••

Wala pong Chubibo sa darating na Biyernes. Happy Easter sa inyong lahat!

Advertisements

1 thought on “Paalam, Philamlife Auditorium!”

  1. Thanks Dennis, Sayang talaga at demolish ang philamlife bldg, ang galing ng SM nailusot ang project na iyan Grabe ang traffic at congestion na gagawin niyan sa UN Ave.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s