May galit kaya kay Enrile?

Ang bagong TV ad ni Jack Enrile ay nakakagulat. Iisipin mo’y may galit sa kaniya ang gumawa.

Ito’y nagpapakita ng mga taong nakasimangot na nanaway gamit ang kanilang mga daliri… sabay bigkas ng “di yan pwede kay Enrile”.

Para bagang nasa martial law na naman tayo.

Ang dating ay isang siga at  “bully” si Enrile na tanging gusto’y paraan niya ang sinusunod.

Advice kay Cong. Jack… pagsabihan mo ang mga lumikha ng ad na yan na… “di yan pwede kay Enrile”.

Hindi pa huli.

Heil, Jack!
Heil, Jack!

 ••••••••••••••••••••

teamPatay

Nakakawalang-gana ang ilang mga pare. Sa mga karatulang itinayo nila na binabansaggan ang ilang kandidato na kaanib sa Team Buhay o kaya’y Team Patay, ipinapakita ng mga alagad ng simbahan na sila’y isip-bata at pikon.

••••••••••••••••••••

Paki-eksplika nga? Bakit ba nagpipilit na kumandidato ang isang nagka-stroke kamakailan at ngayo’y nakapirme sa wheelchair? Hindi ba sapat na naglingkod naman siya ng halos sampung taon at ang kaniyang misis at dalawang anak ay mga tumatakbo o kasalukuyang alkalde… at may isang anak pang congressman?

wheel

Sakripisyo alang-alang sa public service?

O, famiy business?

 •••••••••••••••••••••

Marami ang nabighani sa talino at simpleng ganda ni Princesa Jacel Kiram ng Sulu. Maganda siyang ehemplo ng bagong anyo ng mga Muslim na Pilipina. May pinag-aralan at may sariling opinyon sa mga bagay-bagay – hindi basta-bastang mapapaikutan o mapapaandaran ng maraming “ekspertong” interviewer sa telebisyon at radyo.

jacel

 •••••••••••••••••••••

Alang alang sa “ratings”, pinaasa tayo nang lokal na media na Pinoy ang susunod na santo papa. Mahirap mangyari ito pagka’t karamihan ng bumoto sa conclave (apat na beses na bumoto, kada araw) – kung hindi puti, ay European. At pagka’t sila’y mga tao lamang, umiral pa rin na ang pinaboran ay yung ka-tropa nila.

Tanging pag-asa natin sana’y patunguhin ang isang may karanasang-Comelec sa Roma para mangasiwa sa pagpili.

Hello... hello, Garci
Hello… hello, Garci

Hello, Garci!

 •••••••••••••••••••••

Kawawa naman ang mga taga-Maynila. Ang dalawang kandidato sa pagka-alkalde  ay parang mga sanggano magsalita at umasta. Parehong negatibo ang dating at walang makapagdudulot ng inspirasyon sa mga kabataan.

erapLim

Kitang-kitang mas may pagmamalasakit ang mga batang alkalde sa mga karatig-lungsod ng Maynila tulad ni Lani Cayetano ng Taguig at Bobby Eusebio ng Pasig.

 •••••••••••••••••••••

Huling hirit.

Angel: May ka eyebol ako mamaya, ano kaya itsura nya? Kasi sabi nya, may hawig siyang celebrity! “SHA” daw ang palayaw niya!

Ernie: Jackpot ka pare! Baka Shaina Magdayao o Sharon Cuneta!

(After eyebol, Angel went home…)

Ernie: Kumusta? Bakit malungkot ka yata?

Angel: DioniSHA pare! DioniSHA!

Advertisements

1 thought on “May galit kaya kay Enrile?”

  1. Kawawa talaga ang mga taga Maynila. Yung dalawang matanda lang ang mapagpipilian. Ang QC kaya!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s