Advertisements

Walang aatras, kahiyaan na!

Kaya komplikado ang situwasyon sa Sabah ay pagka’t kahiyaan na ang umiiral.

Kahiyaan, kaya hindi magawa ng Malaysia – na ngayo’y mas maunlad sa Pinas – na hindi magpadala ng libu-libong pulis at sundalo para upakan ang dalawandaang tauhan ng Sultan ng Sulu na sumulpot upang angkinin ang kanilang “teritoryo”.

Kahiyaan, kaya hindi mapabalik ni Sultan ang kaniyang mga tauhan dahil kailangang panindigan niya na pag-aari ng Sultanate ng Sulu ang Sabah ayon sa kasaysayan at ilang kasulatan. (Dagdag dito, wala sa diksyonaryo ng mga Tausug ng Sulu ang salitang “sumuko”.)

Even the American colonists were hesitant to fight the fierce Moros

Even the American colonists were hesitant to fight the fierce Moros

Kahiyaan, kaya hindi na mabawi ni PNoy ang lahat ng binitiwang pananalita at pagbanta na isinubo sa kaniya ng mga advisers na medyo kulang sa kaalaman sa isyu.

Ang klaro sa marami: ipinagkaloob ng Sultan ng Brunei ang Sabah sa Sultan ng Sulu noong 1658 dahil sa tulong na dinulot nito nang nagkaroon ng himagsikan sa Brunei. Sa pagdaan ng maraming taon, ang Sabah ay inupahan ng British East India Company at nang binigyan ng mga British ng kasarinlan ang Malaysia (Malaya dati), medyo gumulo na kung inire-renta o pag-aari ng Malaysia ito.

Royal-Sultanate-of-Sulu-769999

The Sultanate of Sulu ruled Sabah for centuries before it was transferred by British colonialists to Malaysia in 1963. The Philippines contested the transfer, basing their claim that the “British North Borneo Company had leased rather than purchased the eastern part of Sabah from the sultanate and thus did not possess the authority to transfer ownership to Malaysia. Amazingly Kuala Lumpur still pays the Sulu Sultan Jamalul Kiram III $1500 per year.

Noong 1963, pinaubaya na ng nakaupong Sultan ng Sulu sa gobyerno ng Pilipinas ang responsibilidad na bawiin ang Sabah.

Hanggang ngayo’y wala pa ring nangyayari.

Ayon sa kasunduan, maaaring bawiin ng Sultan ang responsibilidad at siya na mismo ang kumarir sa pagbawi.

•••••••••••••••••••••••


????????????????????????????????????????

Tama na ang soft drinks. Lumolobo ang bilang ng mga batang Pinoy na obese o diabetic. Kadalasan, ito’y dahil sa walang tigil na kakainom ng soft drinks na may katumbas ng sampung kutsarita ng asukal kada lata.

•••••••••••••••••••••••

Hula who. Ang good news: kahit matagal nang walang project, pumirma siya ng kontrata kamakailan sa isang malaking movie outfit. Ang bad news: sabi ng bossing, hanggang hindi siya pumapayat – walang shooting, walang pelikula. Madyubis pa, so mukhang matatagalan ang comeback. Suggestion namin – kickboxing. Kamakaila’y may karanasan siyang nagpatunay na may talento siya rito.

????????????????????????????????????????

•••••••••••••••••••••••

Tatlong pinakamayaman. Ayon sa Forbes magazine, tatlong bilyonaryo ang pinakamayaman sa Pilipinas.

Numero uno si Henry Sy, $13.2 bilyon ang kayamanan.

Pumapangalawa si Lucio Tan, $5 bilyon.

At pangatlo si Enrique Razon Jr., may-ari ng International Container Terminal Services Inc. (ICTSI) at ng casino complex developer Bloomberry Resorts Corp., $4.9 bilyon.


???????????????????????????????????????

•••••••••••••••••••••••

Huling hirit.

ANGEL: Gabi-gabi akong kinakalabit ni misis!

ERNIE: Ano naman problema dun?

ANGEL: Eh, tatlong taon na siyang patay!

ERNIE: Naykupo!!!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: