Ebidensya? Ang renta! Ang upa!

kiram
H.M. Jamalul Kiram II, Sultan of Sulu and Sabah, in late 19th century.

Higit sa dalawandaang tauhan ng Sultan ng Sulu ang sumugod sa Sabah para angkinin ang teriroryo para sa amo nila. Ginigiit nila na ang Sabah ay pag-aari ng Sultan at inuupahan lang ng Malaysia… at ang mga resibo sa renta ang kanilang ebidensiya.

Suspetsa ng marami ay pakana itong “invasion” na ito ng mga gustong magalit sa Pilipinas ang Malaysia – ang bansang siyang tumulong magkatotoo ang peace treaty ng gobyerno at ng MILF sa Mindanao.

Pero, dagdag ng ilan, tumutulong lang kaya ang Malaysia para malimutan na nating tuluyan ang isyu tungkol sa sino talaga ang may-ari ng Sabah?

At bakit kaya puro Ingles ang mga pahayag ni PNoy tungkol sa isyung ito?

Bagay na bagay ang isang popular na kataga sa Facebook – it’s complicated.

•••••••••••••••••••••

Kimchi at saluyot.

skor
Ang kauna-unahang babaeng pangulo ng South Korea ay nanumpa na noong isang araw. Ang nakakagulat ay si Park Geun-hye ay ang anak ng isang kinasusuklamang diktador ng Korea na si Park Chung-hee na naghari ng halos dalawang dekada bago pinatay ng sariling tauhan.

Hula who. Sino kaya ang nabuhayan sa balitang ito?

•••••••••••••••••••••

Tropang palaban.
Imbes na mag-eksperimento sa isang hindi pa subok na kandidatong tulad ni Bam – na mas bagay sa isang ‘look-alike’ contest sa Eat Bulaga – maraming botante ang handang mas tumaya sa dalawang palaban.

palaban2.001

Edward Hagedorn. Ang siyang nagbago sa anyo at sigla ng Puerto Princesa sa loob lamang ng dalawampung taon. Malinis na lungsod, mapayapang siyudad kung saan matatagpuan ang kaakit-akit na Underground River. Sa Puerto Princesa, ang kalikasan ang bida – maraming bawal: pagmimina, pagpuputol ng mga puno, pagtatayo ng mga factory na nagbubuga ng mala-lasong hangin.

Pati ang jueteng ay napahinto ni Hagedorn sa talaga namang kakaibang paraan. Pinagsabihan niyang ‘tigilan mo na’ ang pinakabigating jueteng operator sa lugar – ang sarili niya.

Jamby Madrigal. Akala ng iba’y puro dada at tapang lang si JajajaJamby. Ang katotohanan: ginamit niya ang likas niyang talino para isulong ang ilang napakahalagang mga batas tulad ng: Protect Tubbataha Act, Anti-Child Pornography Law, Women’s Magna Carta at marami pang iba.

At ito’y kaniyang nagawa habang walang-sawang binabatikos ang mag-asawang Arroyo.

•••••••••••••••••••••

Huling hirit.

ANGEL: Erns! Kakains nas tayos!

ERNIE: Hoy ! Tigilan mo yang kalalagay mo ng ‘ S ‘ sa mga sinasabi mo ha ! Ano ba ang ulam ?

ANGEL: BANGU na may KAMATI, ARDINA na may IBUYA !

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s