Si Junior ang Kumalabit!

???????????????????????????????????????

Sa patuloy na pagdinig ng kasong Maguindanao massacre, inamin ni dating bise alkalde Sukarno Badal ng Sultan Sabarongis na nakita niya mismo diumano nang pagbabarilin ni Andal Ampatuan Jr. ang ilang biktima – kabilang na si Bai Genalyn, ang asawa ni Esmael “Toto” Mangudadatu.

Syempre, dahil bansa nati’y naniniwala sa hustisya,  kailangan tayong maghintay ng marami pang taon – bago may maparusahan.

Hindi uubra ang estilo ng isang kilalang alkalde.

 •••••••••••••••••••••

????????????????????????????????????????

Hula who: election ispeysyal. 

Dalawang mataas na opisyales ng isang ahensiya na namamayagpag sa mga panahong ito ay namataang nanananghalian sa isang mamahaling Japanese resto, kasama ang isang bigating pulitiko mula sa mundo ng laing. May nais atang pa-disqualify na tao si pulitiko. Pagkatapos ng tsibugan, may bitbit na supot ang dalawang opisyales. Nang tinanong kung anong laman ng dala-dala, nagmamadaling sagot ng isa, “pili”. Marami-raming pili ata at mukhang napakabigat, ayon sa isang saksi.

????????????????????????????????????????

 •••••••••••••••••••••

Ang isang kumakandidato ay may magandang utol na mambabatas. Nang hiwalayan ni maganda ang asawa, nagsimulang pumorma ang isang conyotic na mambabatas. Hindi pumasa si soy-ti pagka’t 1) may asawa na siyang halos “ate” na niya dahil sa agwat ng kanilang edad, at 2) kahit medyo magkasingtaas sila, ang utak ni conyotic ay unano kumpara kay maganda. Wow, pare, que asco.

 •••••••••••••••••••••

????????????????????????????????????????

Ang isang dating opisyales ng ahensiya na siyang nagbabantay at nagbibilang ng boto ay first class ang panlasa. Akala ng marami na siya’y tapat, malinis at hindi nagpayaman. Pero iba ang nasaksihan ng aming master spy. Nakitang nagbiyahe sa Hong Kong: business class ang buong pamilya, pati ang mga yaya. Ang lahat ng maleta ay tatak Rimowa.

Kakarating pa lang ni dong sa HK, takbo na siya agad at pinakyaw ang mga sapatos sa Tod’s – isang mamahaling shoe store sa Pacific Place mall. Kamakailan, lumipad ng business class para panoorin si Pacman sa Las Vegas. En grande ang buhay nitong retirado – pero bata pang – opisyales.

 •••••••••••••••••••••

 ????????????????????????????????????????

Noong bata pa ang kandidatong ito, lumalabas na ang pagka-baklita. Mapapansin daw sa kadaldalan. Maraming nagsasabi na ito ang dahilan kung bakit siya’y iniwanan ng kaniyang asawa.

 •••••••••••••••••••••

Huling hirit. Napasabak si Manuel sa putukan laban sa mga terorista.
Manuel: Sumuko na kayo! Wala rin kayong mapapala.
Terorista: Susuko lang kami kung mai-spell mo ung ‘ceasefire’…
Manuel: Ituloy ang laban! Patay kung patay! Padadalhan ko kayo ng crysanthemum sa inyong libing!
Terorista: Spell ‘crysanthemum’?
Manuel: Sabi ko rose, bingi ka ba? Laban kung laban… walang spelingan…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s