Advertisements

Malayong kamag-anak kuno

Pinigil ni Musa Aman, Chief Minister ng Sabah, ang pag-uwi sa Pilipinas ng inarestong pinuno ng Aman Futures na si Manuel Amalilio.

Niloko diumano ng Aman Futures ang libu-libong mga investor sa Mindanao.

Nang binatikos ang Chief Minister sa kaniyang aksyon… sagot niya’y, “inaamin ko… malayong kamag-anak ko si Amalilio”.

????????????????????????????????????????

Anak lang naman si Manuel Amalilio ng babaeng kapitid ng tatay ni Chief Minister. Mag-first cousin lang sila. Malayo nga.

 •••••••••••••••••••••

Mukhang may tulog si Erap kay Mayor Alfredo Lim sa laban sa pagka-alkalde ng Maynila.

Ang dating Presidente Estrada ay dating bumabandera sa lahat ng surveys: 60% laban sa 40% ni Mayor Lim.

erap

Kamakailan, bumaligtad na ang mga numero: 70% kay Lim, 30% kay Erap.

Nakatulong kaya ang istatwa ni FPJ na pinatayo ni Lim sa Roxas Blvd.?

•••••••••••••••••••••

Hula who. Maraming pondo itong ating si Ms. Tulis Watcher. Heto na naman siya…

“Ang lady mambabatas na ito’y aakalain mong perfect sa lahat ng aspeto. Elegante… Number 1 ang dating sa lahat pero, kaya pala hiniwalayan ng asawa ay dahil nahuli siya at ang kaniyang poging bodyguard na nagchuchukchakan. Makati din pala si ateng!”

No. 1 sa kati?

No. 1 sa kati?

•••••••••••••••••••••

Laging magdala ng pera. Wag basta-bastang umasa sa ATM at baka malagay kayo sa alanganin.

Noong Miyerkoles, may nangyari sa dalawang anak ko na parehong may ATM ng Banco de Oro.

Ang mas nakababata, nagwithdraw ng pera para sa lunch niya. Walang perang lumabas at sabi’y may problema ang card.

Binale-wala niya ito at at hindi na lang nag-lunch..

????????????????????????????????????????

Ilang oras pa lang ang nakakalipas, tumawag naman ang nakatatandang kapatid niya at sinabi na nasa mall siya at mag-wi-withraw na sana sa ATM ng pang-merienda. Ganun din ang kwento: may problema.

Sinugod ng madaling-mapikon kong anak ang opisina ng Banco de Oro sa mall at inireklamo ang nangyari.

Sabi ng teller ay baka may fraud o “na-compromise” ang card at kailangang puntahan ang branch na pinagbuksan ng account – may 20 kilometro ang layo. Wala silang maitutulong dahil hindi raw nila alam kung papaano ipaliwanag ang ganitong mga problema.

At di lang yon, hindi raw agad-agad mapapalitan ang ATM card… kailangang maghintay ng 3 araw. Minimum.

Ano ba kayo Mr. Henry Sy at Ms. Tess Sy Coson? Sa bilyun-bilyong kayamanan nyo, walang binatbat ang inyong ga-higanteng bangko.

Pwe.

•••••••••••••••••••••

Huling hirit.

Ernie: Pare, anong handa mo sa birthday mo kahapon?

Angel: PATA!

Ernie: Wow, anong klaseng pata?

Angel: PATA-galan ng kwento, alang pera eh…

pata

Advertisements

3 Responses to “Malayong kamag-anak kuno”

  1. Ricky Dizon Says:

    We had the same experience with my wife’s account from the same bank. Coincidence?

    Sent from Ricky Dizon’s iPad

  2. asmartrock Says:

    *Clap, clap* HAPPY TO SERVE!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: