Rematch: Mar vs Binay

Talo pa ang labang Pacquaio vs Marquez?  Nang tanungin siya tungkol sa plano ng Liberal Party sa presidential elections ng 2016, ang agad prinisinta ni Sen Frank Drilon, “si Mar Roxas ay tatakbo – itaga mo sa bato”.

Round 2
Round 2

So, mukhang ngayon palang, maaasahan nating maga-ready to rumble na ang kampo nina VP Binay at Sec. Mar.

•••••••••••••••••••••••

Hula who. Mala-pastor at mabulaklak ang kaniyang dila tuwing may meeting sa isang palasyo… pero, si spiritual serr… mabangis pala pag chicks. Binati ang nagbabanal-banalan ng isang kaibigan sa isang hotel. Ito’y nagmamadaling nakipag-kamay at bumulong, “Pare, may chicks ako sa taas”.

Mr. Banal-banalan
Mr. Banal-banalan

Pag may babae – tabi muna ang bibliya – at sunggab agad.

Salamat sa input, Ms. “Tulis Watcher”.

•••••••••••••••••••••••

Alam ang kiliti. Madaling madala ang mga tao sa bawat salitang binibitawan ni Sen Miriam Santiago. Tulad nang pinagbintangan niyang “attack dog” ni Senate President Juan Ponce Enrile si Sen Ping Lacson.

Sa totoo lang, ang pinagtatanggol ni Ping sa pagkakataong yon ay ang institusyon ng Senado – ang credibilidad at ang mga proseso nito. Alam naman ni Sen Ping na mabangis si Enrile at hindi na kailangang alalalayan ninoman.

(UNTV photo)
(UNTV photo)

Kaya binanatan na rin ni Ping si Miriam. Obvious sa tono na napikon ang maprinsipyong senador mula sa Kabite.

•••••••••••••••••••••••

Magandang pagpustahan. Pakyawin kaya ng daan-daang libong taga southern Mindanao ang “package deal”  na alok ng mga Pacquiao? Kagatin kaya nila ang kandidatura ng mag-asawang Manny at Jinkee at utol na si Roel? Pati na rin ang milyonaryong dabarkads nilang tatakbong mayor sa GenSan? Malamang, ito ang pinakamatinding aabangan ngayong eleksyon.

Tatlong Pacquaio ang sasalang sa darating na eleksyon
Tatlong Pacquaio ang sasalang sa darating na eleksyon

•••••••••••••••••••••••

Simula na sa Pebrero 3 ang bisa ng Kasambahay Law. Ang bagong batas ay nagbibigay ng marami at karapat-dapat na benepisyo para sa mga nagpapaginhawa ng ating buhay. Narito ang ilan:

maid

REST DAY, BENEFITS

Kailangang bigyan ang bawat kasambahay ng isang araw ng pahinga bawat linggo.

Kailangang mabigyan ng social security benefits ang mga kasambahay. Trato sa kanila’y dapat katulad na rin sa pangkaraniwang worker na protektado ng SSS, PAG-Ibig at Philhealth.

EDUCATION, TRAINING

Ang mga kasambahay ay kailangang mabigyan ng oportunidad para makapagtapos ng basic education. (Puwede sa public schools – para libre.)

BASIC NECESSITIES

Ang employer ay may obligasyong bigyan ang kasambahay ng basic necessities tulad ng shampoo, sabon, toothpaste at pakainin ng tatlong beses kada araw.

•••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Hindi magpapahuli ang Lakas. Inanunsyo na nila na ang manok nila sa presidential elections ay si… Panday.

panday

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s