Advertisements

Loose connections sa Senado?

Ang gulo-gulo sa Senado. Kinakalawang at pumupurol na ata ang wiring ng utak ng mga Senador.

Nakapagtataka.

Tulad ng kakatapos lang na mapapait na sagutan ni Senate President Juan Ponce Enrile at ni Sen. Alan Peter Cayetano.

http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=poZDoZ8ucb4#!

Tapos ng privilege speech ni Cayetano  tungkol sa ilang gastusin ng Senado, tumayo ang Senate President at bigla na lang pinaalala kay Alan na ang yumaong tatay niyang si Sen Rene Cayetano ay mayroong milyun milyong utang pa sa law office ni Enrile.

Tanong ng marami: anong koneksyon?

Isa pa itong si Sen Tito Sotto. Sa nabalitang diumano’y P250,000 “pamasko” sa mga Senador – hirit niya, “there’s nothing wrong… wala nga sa kalingkingan yun sa bonus ko sa Eat Bulaga…”

Nagrereklamo o nagyayabang? Koneksyon?

•••••••••••••••••••••••

Inararo ng USS Guardian ang pinag-iingatan nating marine life sa Tubbataha Reef sa Palawan. Mas bagay yatang tawagin ang barko na “USS Destroyer”.

uss

Mas bagay atang tawaging USS Destroyer

Malamang na hindi natutuwa sa nangyari si Senador Jamby Madrigal – ang may akda ng batas na nagbibigay ng proteksyon sa kakaibang yamang dagat.

Hindi aatras - palaban!

Hindi aatras – palaban!

•••••••••••••••••••••••

Hindi dapat palampasin. Ang tinutukoy ko ay “Searching for Sugar Man”, isang pelikula tungkol kay Sixto Rodriguez, isang mahusay na singer at songwriter na gumawa ng plaka noong 1971. Sa kasawiang palad, nilangaw ang album ni Rodriguez at nilaglag siya ng record company.

searching

Nagbalik nalang si Sixto sa kaniyang trabaho bilang construction worker. Ang hindi niya alam: ang plaka niya pala ay pumatok at naging big hit ng maraming dekada sa South Africa.

Hinanay pa siya sa ibang magagaling tulad ng Beatles at Bob Dylan.

•••••••••••••••••••••••

Hula who. Matapang ang tauhan ng isang may edad na politiko. Walang takot na kinakastigo ang mga tumitira sa kaniyang amo. Ang amo naman ay tumutindig palagi para sa kaniya. Mas malalim ang pagsasama? Dahilan kaya kung bakit tinindigan at iniwan ni misis si amo?

sugar

•••••••••••••••••••••••

Magandang balita sa Bataan. Magbabalik-politika si Ding Roman, ang naging gobernador ng Bataan sa loob ng 17 taon at kilalang nagpa-angat at nagpasigla sa kapalaran at ekonomiya ng Bataan.

•••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Napakainutil ng ideya na sobrang limitahan ang pag gamit ng media ng mga kandidato sa eleksyon. (Pati nga ang pagsusuot ng damit na kulay ng isang partido ay pagbabawal na rin sa telebisyon.) Lalong magiging hindi patas ang laban. Ang makikinabang lang nang husto ay yung mga kilalang mga mukha at pangalan – lalo na ang ilang artista, atleta at politiko na obvious namang walang “k” na manungkulan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: