Roach: Pacquiao vs Marquez Agad!

Kung si Freddie Roach – ang coach ni Manny Pacquiao – ang masusunod, gusto niya’y banatan agad si Pacman at Juan Manuel Marquez. Wala nang ibang epal na kakalabanin.

Ito’y saliwa sa plano ni Pacquiao na magkaroon muna ng ‘tune up’ fight ngayong Abril bago harapin ang nagpatumba sa kanya.

pacman

Atat na atat nang bumalik si Pacquiao sa ring. Kahit mas mababa ang kikitahin. Kahit sa Singapore, Macau o Abu Dhabi ang laban.

(Burado ang Las Vegas pagka’t – dahil na rin sa kaniyang pangangatawan – pinagbawal siyang mag-boksing sa Amerika hanggang Setyembre.)

Malamang may tatlong dahilan kung bakit atat ang Pambansang Kamao.

Una, ramdam niya na bumibigay na ang tuhod.

Pangalawa, inuudyok siya ng maraming asungot sa kampo niya.

Pangatlo, malakas pa rin ang paniniwala niyang siya ay si Superman.

Superman1

 •••••••••••••••••••••

Isalang na si Ping. Lumalala na ang krimen.

Manhid na tayo, hindi na nagugulat sa mga pulis na biktima o sangkop sa rubout. Mga bangag na nanggagahasa at pumapatay ng mga 5-anyos na bata. Mga ahente ng batas na nag-iinuman sa tanggapan at nagpapatayan pag lasing na.

Ang pag-asenso tuloy ng Pinas ay sinasakal ng krimen.

Ang nasa isip ng marami:  para tumino ang mga halang ang bituka, kailangan ng isang super crime fighter tulad ni Sen. Ping Lacson.

ping

O, si Ping na kaya mismo.

Si Ping ay maaasahang may lakas ng loob para labanan ang krimen at mapatino ang kapulisan.

 •••••••••••••••••••••

Hula who. Ang politikong ito’y sobrang tulis. May edad na pero tinuhog pa rin ang dalawang kasamahan sa isang kagalang-galang na tanggapan sa may Roxas Blvd. Parehong magagandang chiching. Parehong hiwalay sa asawa. Parehong may asim pa rin. Parehong dedma sa isa’t isa ngayon.

Lolo na ang "honorable gentleman from..." pero ang hilig pa rin!
Lolo na ang “honorable gentleman from…” pero ang hilig pa rin!

 •••••••••••••••••••••

Eto na naman po. Noon, ang binibida nila ay ang STL o Small Town Lottery. Palpak.

Ngayon naman, binibida ng Philippine Charity Sweepstakes Office na ang papatay sa jueteng ay ang Loterya ng Bayan, isang bagong palaro na ipakikilala nila sa loob ng ilang buwan.

Ewan ko pero, parang pantasya ito.

 •••••••••••••••••••••

Huling Hirit. Akala ko dati na napakalawak ng kaalaman ko sa kultura at awiting Pinoy – hanggang nadiskubre ko ang bading bersyon ng “Bahay Kubo”.

Valer kuberch. Kahit jutay. Ang julamantrax donchi. Ay anek-anek. Nyongkamas at nutring. Nyogarilyas at kipay. Nyitaw, nyotaw, jutani. Kundol, jutola. Jupot jolabastquax. At mega join-join pa. Jobanox nyustasa. Nyubuyax, nyomatis. Nyowang at luyax. And around the keme ay fullness ng lingax!

blackboard-640-80

Advertisements

1 thought on “Roach: Pacquiao vs Marquez Agad!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s