Advertisements

Konsensya ng India, kailangan natin?

Nabulabog ang mundo sa balitang isang 23-anyos na babae ang pinilahan at ni-rape ng 5 lalaki sa isang bus sa Delhi, India.

Tapos ng gang-rape, pinatay ang dalaga.

Sinaktan ang kasama niyang boyfriend, pero ang lalaki’y nabuhay at ngayo’y nagsisilbing testigo.

Nakakulong na ang mga salarin.

Pero sa bansang higit sa 1 bilyon ang populasyon, wala ni isang pribadong abugado ang payag hawakan ang kaso. Walang may gustong ipagtanggol ang lima.

Lahat ata’y kinasusuklaman ang mala-demonyong asal.

delhi

Ibang-iba rito sa atin.

Dito… may massacre ng 57 katao na nasaksihan ng marami nguni’t hanggang ngayo’y usad-pagong ang kaso.

Tanong ng marami, ang milyun-milyong binabayad sa mga abugado kaya’y dahilan sa kabagalang ma-resolba ang napaka-klarong kararatnan ng kaso?

••••••••••••••••••••••

May mainit na debate sa Senado kung anong dapat gawin ngayong laganap ang pamamaril sa mga inosenteng civilian.

Ang pag-aalala sa isyung ito ay bunga ng pagkamatay sa 7-anyos na si Nicole Ella na tinamaan ng ligaw na bala habang nanonood sa putukan noong Bagong Taon.

Sinundan agad ito ng pag-aamok at pagbabaril ni Ronald Bae, isang lasing at adik, ng kaniyang mga kapitbahay sa Kawit. Patay ang walo, labing isa ang nasaktan.

Ang pakiwari ni Sen Ping Lacson ay tigilan na agad-agad ang pag-isyu ng “permit to carry” sa mga civilian. Dagdag niya, ang mga lisensyadong baril ay dapat manatili lamang sa loob ng tahanan – nakatago sa ligtas na lugar.

No_gun

Sa panananaw ni Sen. Loren Legarda naman, dapat bawiin ang lisensya ng mga civilian na may baril. At hayaang ang mga miyembro lamang ng militar at kapulisan ang may armas.

Hirit ni Sen Tito Sotto: masyadong emosyonal at pabigla-bigla ang mga reaksyon ng mga kasamahan sa Senado.

tito-sotto

Naku, dadagdag na naman ang popularidad ni Sotto sa bagong pananalitang binitiwan niya.

••••••••••••••••••••••

Hula who. Sabi ng obispong ito na mabuti raw na lumolobo ang ating populasyon pagka’t madadagdagan ang mga OFWs – dagdag dollars pa ang mapapadala nila.

Kasama raw sa plano ng Diyos ang palubohin ang ating populayon para maraming Pinoy ang maging “caregivers” sa mga ‘tumatandang’ mga bansa.

At pagka’t marami tayo, okey lang kung maraming mga Pinay ang maging asawa ng mga dayuhan sa mga bansang lumiliit ang populasyon.

weed

Ano kayang droga ang tinira ni bishop?

••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Walang dapat sisihin kung ang pelikulang “Thy Womb” ay nilangaw. Ito’y pinalabas sa panahong gustong magsaya ng mga tao – at ayaw ma-sermunan o mabigyan ng mabigat na pakiramdam. Ganyan ka-simple.

Awit man o pelikula... mahirap ibenta kung tadtad sa sermon

Awit man o pelikula… mahirap ibenta kung tadtad sa sermon

Advertisements

5 Responses to “Konsensya ng India, kailangan natin?”

  1. NellySir Says:

    Well, imo Loren’s arguement makes more sense. Why would you need to own a gun? Don’t get yourself in trouble! That’s how you maintain peace!

  2. cloud_strife Says:

    Eh kung barilin kaya kita sotto! lakas ng loob mo payagan ang mga tao magkaron ng permit, eh ang daming gustong pumatay sayo. hahaha labo lang ng pinagsasabi mo tol!

  3. ZoMan Says:

    Apir tayo diyan Maam Loren! Tigil na ang mga baril! Walang katuturan magkaron ng baril!!

  4. DiamondsInTheSky Says:

    YES TO GUN BAN!

  5. Carl Says:

    Kakaltukan ko toh si Sotto eh parang di talaga nag iisip ba’t ba binoto yang mangmang na yan?!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: