Advertisements

Benta Paputok? Kulong Kayo!

Ito ang babala ng bagong PNP Chief Alan Purisima. Paparusahan ang mga maglalako ng paputok – tulad ng bago’t ga-dinamitang Gangnam Boom at Goodbye Bading.

Tough guy ang peg ni General.

Ser, di na kelangang lumayo pa para manghuli. Ilang metro lang mula sa inyong HQ ay sangkatutak na firecracker vendors – sa White Plains Avenue.

White Plains Avenue - meters away from PNP HQ - is where the firecrackers are, General!

White Plains Avenue – meters away from PNP HQ – is where the firecrackers are, General!

Dapat paghuhulihin ang mga ito. Sana, wag press release lang – aabangan namin.

••••••••••••••••••••••

Kahit malayo sa Pinas, marami sa mga kababayan nating Fil-Am ang todo malasakit sa inang bayan.

Isa rito ay ang grupong Overseas Filipinos for Good Governance (OFGG), isang organisasyon ng mga bigating Pinoy sa Amerika na ang pakay ay maging bahagi sa minimithing pag-asenso ng Pilipinas. Para makamtan ito, balak ng mga kasapi na walang sawa silang babatikos at mag-aalay ng tulong sa mga nagpapatakbo ng pamahalaan.

Mabuhay kayo, OFGG… at maligayang bati sa inyong mga bagong opisyales na nanumpa noong Dec. 27.

 ••••••••••••••••••••••

Hula who. May isang pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival ang namamayagpag sa takilya raw pagka’t isa sa mga artista nito ay libu-libong tiket ang pinamili at pinamudmod sa mga fans.

Parang vote buying.

Hanggang dito ba?

 ••••••••••••••••••••••

Ang daming dahilan at palusot ang maririnig mula sa daan-daang libong Amerikanong hindi sang-ayon na tigilan na ang pagbenta ng assault weapons – yung mga baril na gamit sa digmaan (at ng SWAT).

Kesyo nasa saligang batas daw ng bansa ang karapatang gumamit ng armas.

Paalala lang sa mga Kano: noong sinulat ang inyong saligang batas, ang gamit na baril ay antigo; bawat putok, kailangang buksan ang laman-loob ng baril at subuan ng pulbura.

Higit sa isang minuto bago makaputok uli.

Ang antigong baril: kailangang kumanta ng "happy birthday to you" ng tatlong beses bago makaputok uli

Ang antigong baril: kailangang kumanta ng “happy birthday to you” ng tatlong beses bago makaputok uli

Malayo sa mga baril ngayon. Isang kalabit lang, umuulan ng daan-daang bala… sumasabog sa loob ng katawan, dinidikdik ang mga buto.

Kaya tigilan na ang palusot… at ipagbawal na.

 ••••••••••••••••••••••

Pinag-uusapan ngayon ang Youtube video ng Australian na kidnap victim ng Abu Sayaf. Dinukot sa Ipil, Zamboanga del Sur noong Dec. 5, 2011, si Warren Richard Rodwell, 54, asawa ng isang Pilipina – si Miraflor Gutang.

Isang taon nang bihag ng Abu Sayaf

Isang taon nang bihag ng Abu Sayaf

Ang unang hininging ransom ay P1 million ngunit ito’y agad itinaas sa US$2 million

Hinanakit ni Rodwell, “Hindi ko inaaasahang pakakawalan ako hanggang sa taong 2013. Nawalan na ako ng pag-asa. Wala akong tiwala sa Abu Sayaf. Wala akong tiwala sa pamahalaan ng Australia.”

Halatang galit si Rodwell ngunit tanggap na ang kapalaran.

 ••••••••••••••••••••••

Huling hirit: Masaganang Bagong Taon sa inyong lahat!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: